Chapter 01
-Sofia-
“Mr. Lawrence, nakapag-down na ako sa apartment na pinareserve ko sa’yo, pero bakit ganito ang nangyari?” I was shocked when I found out that the apartment I rented was already occupied.
Nakapagbigay na ako ng advance and deposit, pero ibinigay pa rin ni Mr. Lawrence sa iba ang apartment ko. I made sure na okay ang lahat bago ako pumunta dito sa Cebu. Galing pa akong Spain dahil doon ako nag-take ng course kong Business Administration, tapos ganito lang pala ang madadatnan ko?
“I’m so sorry. Hindi ko naman kasi alam na darating ang pamangkin ko.” sagot niya habang pumipilantik ang mga daliri.
So, pamangkin niya pala ang dumating, at dahil kamag-anak niya, ibinigay niya ng walang sabi-sabi.
“Wala na po ba talagang ibang bakante?” tanong ko dito habang hinihila pababa ang mini-skirt ko at sa kabilang kamay naman ay ang luggage ko. Nasa sasakyan niya pa ang iba kong bagahe. I was thankful that he was nice enough to pick me up at the airport.
Kapag nasa bahay ako o sa bahay ni kuya Vaughn sa Maynila ay hindi ako nakakapagsuot ng ganito kaiksi. Ang akala niya kasi ay isa akong simpleng babae, conservative at old-fashioned.
Kasalanan ko ba kung na-adapt ko ang culture sa ibang bansa? Ayoko namang magmukhang manang no? Gusto ko, sunod lagi ako sa fashion.
“Share muna kayo ng pamangkin ko, okay lang ba sa’yo? Don’t worry, dalawa naman ang kuwarto dito.” sabi nito habang binubuksan niya ang gate.
“May choice po ba ako? Ito lang ang malapit na apartment sa school.” pairap na sagot ko dito.
“Sige, sorry talaga. Ibabalik ko na lang sa’yo ang kalahati ng ibinayad mo.” sabi nito at saka binuksan ang pinto ng bahay.
Bumungad sa akin ang maluwang na sala. May kulay gray na sofa at isang malaking tv na nakakabit sa dingding. Okay na ‘to, as long as makakapag-aral ako ng mabuti. Mukhang tahimik naman ang lugar at walang istorbo. At sana lang mabait ang pamangkin nito.
Iniwan na ako ni Mr. Lawrence, at ako naman ay inumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto. Ang problema lang dito, iisa ang cr at nasa labas pa. Hindi ako sanay na may ka-share sa lahat ng bagay especially kapag tungkol sa personal things ang pag-uusapan.
Habang nagsha-shower ay pakanta-kanta pa ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng banyo. Napasigaw ako sabay takip sa mga nakabalandrang hiyas ko.
“Aaaaahhh!” I screamed at the top of my lungs when I spotted a man standing in the doorway. “Rape3! Rap3! May rapist dit0! Help! Oh my God, help me!”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko makita ang towel ko.
Shit! Hindi ko pala nadala.
“Rap3 agad? Ni hindi ko pa nga nahahawakan yang dulo ng buhok mo! Hoy Miss, hindi ako rap!st!” napapalunok na tinignan ako ng lalake mulo ulo hanggang paa, tapos ay bumalik ang paningin nito sa mukha kong namumula. “Sino ka? Bakit nandito ka sa bahay ko?”
“Bahay mo?” nagtatakang tanong ko dito. “This is my apartment! Ako ang nagrerent dito!” pinanlisikan ko siya ng mga mata dahil nakatutok ang mga mata nito sa dibdib ko na hindi ko matakpan ng isang braso lamang. Ang isang kamay ko kasi ay nakatakip naman sa baba, sa aking perlas.“Hoy, manyak! Nandito ang mukha ko.” at itinuro ko ang mukha ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa mga dibdib ko. “Bastos ka! Umalis ka, naliligo pa ako!”
“Bakit kasi hindi ka naglalock ng pinto! Bilisan mo diyan at mag-uusap tayo!” seryosong sabi nito at saka muling isinarado pabalibag ang pinto.
Aba, at siya pa ang may ganang magalit! Manyakis!
Halos mapaiyak na napasandal ako sa malamig na dingding. That jerk! Nakita niya na ang lahat sa akin! Ang bastos!
Nanginginig ang buong katawan na tinapos ko na ang paliligo, pero dapat ay isang oras pa akong magbababad dito. Ang lagkit kaya ng pakiramdam na galing sa mahabang biyahe. Napakat-labi ako nang maalala ko na naman ang towel ko. Bakit ba kasi nakalimutan kong dalhin, nakakainis!
Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan ito. Sumilip ako sa labas.
Wala ang mokong.
Pero nakarinig ako ng kaluskos sa kusina.
“Hey!” malakas na tawag ko dito. At biglang tumahimik ang paligid. “Hey, I’m talking to you, you pervert!”
Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit, at mabilis na itinago ko ang katawan ko sa likod ng pinto. Ulo lang isinungaw ko. At nang makita ko ulit ang guwapo niyang mukha ay itinaas ko ang kamay ko. “Diyan ka lang, huwag kang lalapit.”
Wait, did I say guwapo?
Nah! Mas maraming guwapo sa Spain no!
“Excuse me? Tinawag mo ako, tapos ayaw mo akong palapitin?” he scoffed, and I rolled my eyes at him. “What do you want? Gusto mong paliguan kita?”
"Bastos ka talaga!"
"Ano nga!" nagkakamot ng ulong sabi nito. "Bilisan mo, marami pa akong gagawin."
“I forgot my towel.” I told him.
“So?” nakataas ang kilay na sagot niya. Nanggigigil na ikinuyom ko ang mga palad ko. Ang sarap sabunutan ng kulot niyang buhok!
Basta kulot, salot!
But I tilted my head. Guwapo talaga siya. He looked like the young Ryan Philippe, my ultimate crush, pero parang hindi. Parang mas guwapo pa nga siya. Mestiso, matangos ang ilong, matangkad, at ang ganda pa ng katawan. Feeling ko mas bagay sa kanya ang straight na buhok. Maybe I would fall for him kung baguhin niya ang buhok niya.
Wait, what?
Naramdaman kong biglang nag-init ang buong katawan ko.
I quickly shook my head. Ano bang nangyayari sa akin? Why am I drooling at this man?
“C-can you get my towel for me?” my voice softened. Nakikiusap na ako. Sana lang ay hindi niya ako sungitan. “Nakalimutan ko kasi eh.”
He folded his arms while smirking. Nakakainis, bakit mas lalo siyang gumuguwapo kapag nakangisi siya ng ganyan?
“That’s not my problem anymore. Eh di kunin mo!” sabi nito at saka tumalikod.
“Hey, come back here! Nakikiusap na nga ‘yung tao! You are so heartless!” halos maiyak na ako dahil sa kabastusan ng lalaking ito. "Hey, come back!"
Muli itong humarap.
“Say please muna.” nang-aasar na sabi niya.
No. Bakit ako magpiplease sa kanya.
“Ayaw mo? Sige, magluluto pa ako.” at tumalikod na ulit ito.
“Please!” sigaw ko, at napahinto siya. Dahan-dahang humarap.
“Gusto ko ‘yung malambing na please.”
I rolled my eyes at him again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong ginawa. Nakakainis kasi siya.
“P-please…” I said, battling my eyelashes at him na parang nagpapacute.
Siya naman ang nag-roll ng kanyang eyes. “Saan ba nakalagay?”
“Nasa ibabaw lang ng kama ko. Thanks!” sabi ko dito at saka pinanood itong pumasok sa kuwarto ko. Paglabas ay hawak na nito ang white fluffy towel ko.
“Here’s your towel, my princess.” nag-bow pa siya bago inihagis sa mukha ko ang tuwalya.
"Ouch! Ano ba!" Bastos talaga!
Mabilis kong ibinalot ito sa katawan ko at saka nagtatakbong bumalik sa kuwarto ko.
Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa habang pabalik sa kusina.
Pervert!