-Sofia- Siguro mga five minutes din kaming naglakad ni Josh, at nang makarating kami sa dulo ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa tumambad sa akin. Nasa ituktok kami mismo ng waterfalls, at napapaligiran kami ng mga bundok. May ilog sa taas ng falls, at napakalinaw ng tubig nito. Kapag naanod ka ay babagsak ka sa baba, kung saan nandoon ang maraming tao na naliligo. “Josh, ang ganda dito!” I let go of his hand and then I kicked my shoes off as I walked towards the water. “Wait!” pero bigla akong pinigilan ni Josh. Yumuko siya at saka inililis pataas ang jogging pants ko para hindi ito mabasa. Tumalon ang puso ko sa ginawa niya. He’s so sweet talaga. Kailan ka ba mapapasa-akin, Josh. Once he was done, nagtatakbo ako sa tubig na parang bata. Noong una, gusto ko lang magtampisaw at

