BINUNDOL ako nang matinding kaba noong sabihin ng lalaki na isasama niya ako sa presinto. Sa totoo lang ay nagi-guilty na rin ako dahil malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya. Iniwan niya ako sa gitna ng kalsada. Naiwan akong tulala at pinanood siyang umalis. Labis ang pagtataka ko kung bakit ayaw niyang tanggapin ang perang ibinigay ko. Pinulot ko isa-isa ang pera na nahulog kanina. Iginala ko sa paligid ang aking paningin at ngayon ay nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala kong nag-iisa na lang pala ako. I think he was a kind man because he stopped the thief. If it weren't for him I might not have any money today. Hindi ko maintindihan ang aking sarili ngunit naglakad ako kung saan tumungo ang lalaking ‘yon. Siya na lang ang p’wede kong lapitan at siya lang ang tanging kilala ko s

