Chapter 18 (GIO)

1422 Words

NAGTATAWANAN sina Carson at Gio habang nasa kotse patungo sa palengke. Nagpahatid si Gio roon para bumili ng laruan para sa mga bata na apo ni Nanay Anchita. Hindi pa rin makalimutan ni Gio ang nangyari noong isang gabi. Sa labis na katakawan ng kaibigan ay nagawang kainin nito ang maruming pagkain na hindi lingid sa kaalaman nito. Nakaganti rin si Maya sa nakatatandang kapatid. “The f*ck! Hindi ko pa rin lubos-maisip na kinain ko ang maruming laing!” “Pasalamat ka at nakita kita. Kung hindi ay baka sa banyo ka na tumira at matulog.” “May galit yata si Maya sa ‘kin.” Natahimik si Gio nang banggitin ni Carson si Maya dahil hanggang ngayon ay nagi-guilty siya para sa dalaga. “Bakit parang iniiwasan ka yata ng kapatid ko?” Ngumiti nang pilit si Gio at diretso ang tingin sa kalsada, “N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD