MALAMIG ang hangin na tumatama sa balat ni Gio. Nag-iinuman sina Gio at Carson kasama ang mga pinsan nitong kalalakihan. Nasa labas sila ng bahay at may kubo roon. Tanging sila na lang ang gising at maingay sa baryong iyon. Mabuti na lang at mababait ang kanilang kapitbahay kahit nakaiistorbo na sila. Habang abala sila sa inuman ay lumapit sa kanila si Maya na pinsan din ni Carson. Inabot nito ang isang mangkok ng pulutan kay Gio. Inangat ni Gio ang mukha at ginawaran ng matamis na ngiti si Maya. “Para sa ‘yo, Gio.” “Wow, salamat. Nag-abala ka pa,” tugon ni Gio at nginitian nang matamis si Maya. Laking gulat ni Maya noong agawin ni Carson ang mangkok kay Gio at tinikman ang pagkaing nasa mangkok. “Wow, ang sarap naman nitong laing!” “Manoy! Kay Gio ang laing na ‘yan! Ak

