“Dude, ano’ng nangyari? Kanina pa ako naghihintay rito?” ani Carson ang kaibigan ni Gio na siyang susundo sana sa kaniya. Hindi mapigilan ni Gio ang sarili at naghihimutok sa galit habang nakaupo sa bus at nakatitig sa babaeng nagpahiya sa kaniya sa convenient store. Nasa kaniya ang atensyon ng mga tao sa loob matapos lumabas ni KC at kaibigan nitong si Aila. Naalala niyang muli ang pangyayari. “My gosh, ang gwapong lalaki— pero, manyakis,” bulong ng isang babae sa kasama sa loob ng convenient store. “Halika na nga, lumabas na tayo. Baka pati tayo ay hipuan niyan!” Umiwas na lamang ng tingin si Gio at nagbayad sa counter. Maging ang icecream ay babayaran niya rin kahit natapon na. Nakakuyom ang mga palad ni Gio at pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit. He’s not the type of guy

