PAGOD NA PAGOD ako buong maghapon pero sulit ang bawat oras na narito ako kasama si Aila at ang kaniyang pamilya. Tulog silang lahat sa loob ng sasakyan at nakanganga pa si Aila. Gumuhit ang pilyang ngiti sa aking labi at kinuhanan ng litrato si Aila. Malamang ay magugulat siya mamaya kapag nakita ang litrato. Napawi ang ngiti sa aking labi at nabalot ng katahimikan. Pinagmasdan ko ang paglubog ng araw habang binabaybay ang kalsada. Sumagi sa isipan ko sina Mommy at Daddy. Alam kong masasaktan ko sila nang lubusan pero kailangan. Pagdating namin ng bahay ay bagsak kami ni Aila. Nagkakwentuhan kami ni Aila tungkol sa kanila ni Dave. Masaya rin ako para sa kaniya at sa wakas ay napansin na siya ng taong gusto niya. Magkakaanak na rin sila at makakabuo ng isang masayang pamilya. Tanggap ng

