ILANG sandali pa ay bumalik na ako sa kusina at laking gulat ko noong nadatnan ko si Aila at David na magkadikit na ang mga labi sa isa’t isa. Namilog ang mga mata ko at nagpatay-malisya na lamang. Hawak ni David sa likuran si Aila at bahagyang nakasandal sa lababo. Ano’ng nangyari? Kiss agad? Hindi ko maintindihan ang sarili, pero para akong kinikiliti sa kilig at hindi ko mapigilan ang pagngiti sa aking labi. “Oops… sorry,” sabi ko at mabilis kong tinungo ang kwarto. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko mapigilang matawa sa nakita dahil panigurado akong hiyang-hiya ngayon si Aila dahil nagkahiwalay kaagad sila at umiwas si Aila. Ilang sandali pa ay kumatok si Aila sa pinto at pumasok. Mabilis niyang isinarado ang pinto at napasandal sa likuran niyon. “OMG! Aila! Ano’ng nangyari? That wa

