Chapter 25 (GIO)

1469 Words

UMUPO si Gio sa silya habang naghihintay kay KC na magsandok ng kanin. Seryoso ang mukha niya at hindi niya pinapansin si KC. Sa totoo lang ay ayaw niyang naroon ang babaeng nagpahiya sa kaniya. Hindi niya rin alam ang tunay na dahilan kung bakit siya pumayag na isama si KC. Tanging ang nais niya lang ay makapaghiganti sa babaeng iyon. Nagkandapaso-paso pa si KC sa kamay habang nagsasandok. “A-Ouch! Aray, aray! Ang init!” Napakunot noo siyang binalingan ng tingin si KC na sa simpleng pagsasandok lang ng kanin ay napaso pa ito. “Pagsasandok na lang ay hindi mo pa magawa nang maayos?” tatawa-tawang kantyaw niya kay KC. Hindi kumibo si KC at parang may binubulong-bulong pa na hindi niya naman marinig. Saang lupalop ba nakatira ang babaeng ito at bakit naglayas? Katanungan niya sa kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD