KINAWAYAN ako ni Raffy habang naglalakad palabas ng eskinita. Kasama ko si Ate Tina at may nag-uumpukang mga binata’t dalaga sa labas ng isang tindahan. Masaya silang nagtatawanan at nagbibiruan. Ano kaya ang pakiramdam na mamuhay sa ganitong lugar. Hindi maingay, malinis at presko ang hangin. Ngayon ay masasabi kong masarap mamuhay sa ganitong lugar. Nakangiting lumapit sa amin si Raffy kasama ang isang dilag na morena at hanggang balikat lang ni Raffy. Sa pagkakaalam ko ay nineteen years old lang si Raffy at nag-aaral ito ng kolehiyo sa libreng eskwelahan dito sa kanilang bayan. “Hi, Ate KC! Kumusta na?” “Okay lang naman ako, Raffy. Ikaw? Si Nana Andeng?” “Ah, nasa bahay, po. Abala sa paghihimay ng mga gulay at magluluto siya nang maaga.” “Uy, raffy. Kung makumusta mo naman ang At

