DALA-DALA ni Gio ang mga dami na ipinahiram sa ‘kin ni Ate Tina, ang ina ng magkapatid na sina Mae at paul. Kumatok muna ito sa pinto ng kwarto na aking tinuluyan. Malawak ang ngiti nito sa ‘kin habang nakatayo. Inilang hakbang ko ang kaniyang kinatatayuan upang tanggapin ang mga damit na ipahihiram sa ‘kin. “Hello, po,” magiliw kong bati. “Ikaw pala si KC… siya nga pala, heto ang mga dami na maari mong suotin. Pagpasensyahan mo na ang mga ito, ha, at may kalumaan na. Ako nga pala si Tina. Tawagin mo na lang akong Ate Tina.” Naglakad kami patungo sa kama at umupo kaming dalawa. Inisa-isa niyang iladlad sa harapan ko ang mga damit na iyon. May mga duster na makukulay at tama lang ang sukat para sa ‘kin. Balingkinitan din kasi ang katawan ni Ate Tina ngunit mas matangkad ako. Ipi

