Chapter 40 (KC)

1401 Words

NAPAKABILIS nang kabog ng aking dibdib. Hindi ko maintindihan at bakit parang ang bait ni Gio sa ‘kin. Alam na kaya niya ang dahilan kung bakit ako narito sa Bicol? Pinilig ko ang aking ulo, imposibleng malaman niya. May tiwala ako kay Nana Anchita at tiyak akong hindi niya iyon sasabihin. “Linisin mo lang ang katawan ni Jacob nang dahan-dahan para maalis ang putik.” “K-Kailangan ba talaga ‘to?” kinakabahan kong tanong. Hawak ni Gio ang palapulsuhan ko at iginalaw ang mga kamay ko. Ang kapal ng putik na nasa katawan ni Jacob. Napangiti ako nang lihim dahil sa ngalan ng kalabaw. Pagkuwan ay inalis ni Gio ang pagkakahawak niya at humakbang na palayo sa akin. “Pagpatuloy mo lang ‘yan.” Nilingon ko siya, “G-Ganito lang ba ang gagawin ko?” “Oo, tama ‘yan,” nakangiting sagot niya at mayam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD