MALAYO ang aking tanaw sa hindi kalayuan habang nakaupo sa kubo. Siya naman ang pagdating ng binatang sina Raffy at Nana Andeng. May kasama silang mga tao at tumayo ako para salubungin sila. “Magandang araw, ho, Nana Andeng…” “Magandang araw, sa iyo, KC. Nariyan ba si Gio?” Ibinaling ko ang atensyon sa bahay at naalala kong umalis si Gio kanina pa dahil pupunta siya ng bayan at may aasikasuhin. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Nana Andeng. “Ahm… umalis po si Gio, Nana Andeng. Kanina pa siya wala rito at hindi pa nakauuwi.” “Ate KC, pakisabi na lang kay Manoy Gio na hinahanap namin siya at may importanteng pag-uusapan lang,” singit ni Raffy. Mukhang malungkot ang mga tao at may kinakaharap na problema. Siguro ay isa na roon ang perang kakailanganin

