NALILIBANG ako sa katitingin ng mga luntiang damuhan sa paligid habang naglalakad kaming dalawa. Hiwa-hiwalay ang mga bahay roon at ilang minuto na rin kaming naglalakad. Sinabayan ko sa paglalakad ang lalaking kasama ko at tahimik lang siya habang diretso ang tingin. “Ano… ahm… malayo pa ba tayo?” tanong ko. Ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa kaniyang bibig. Ano siya, pipe? Magtiis ka KC at kailangan mong makisama. Palinga-linga ako sa paligid at may nagdaraan na tricycle ngunit hindi man lang pinapara ng lalaking ‘to. “Hey, nakikinig ka ba? Kausapin mo naman ako. Malayo pa ba tayo? Ilang minuto na tayong naglalakad!” Naramdaman ko ang pananakit ng aking paa dahil hindi ako sanay na maglakad nang malayo at hindi ko rin pamilyar ang lugar. Tiningnan ko siya nang matalim at may

