HINDI KO mapigilang umiyak noong makita kong nasaktan si Mom. Niyakap ko si Mom nang mahigpit. Namumula ang pisngi ni Mommy sa lakas nang pagkakasampal ni Dad. What if sa mukha ko ulit iyon tumama. This is my fault…
“Mom, I’m so sorry… dahil sa ‘kin ay nasaktan ka…”
“K-KC, kasalanan ko ‘to. Ako ang pumilit sa dad mo noon na ipagkasundo kayo ni Ethan. H-Hindi ko akalaing magkakaganito…”
Inakay ni Yaya Annie si Mommy para makatayo. Umatras ako at napako ang tingin kay Mom na umiiyak pa rin.
“I’ll talk to him, anak. Babawi ako sa ‘yo,” seryosong sabi ni Mom.
Dahan-dahang naglakad si Mom palabas ng kwarto ko at hinabol ko siya. I was afraid that Daddy might hurt him again. Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa. Pakiramdam ko ay nanlulumo ako sa aking nasaksihan. Dad just hit me and he's not that kind of father. Alam ko ‘yon sa aking sarili.
“Mom… don’t leave…” mahina kong sambit habang nanginginig ang aking labi.
Nilingon ako ni Mom at ngumiti nang pilit, “You… stay… here, K-KC,” sabi ni Mom.
“But Mom? Baka saktan ka niya?”
“No… nabigla lang ang dad mo. Okay? Dito ka lang at mag-uusap kami.”
Naiwan ako sa loob at inalalayan siya ni Yaya Annie patungo sa kwarto ni Daddy. Hinakbang ko paatras ang aking mga paa at pabalyang umupo sa kama ko. Sapo ko ang aking noo at nanginginig ang mga kamay ko.
“Kailangan ko nang umalis,” sabi ko sa aking sarili.
Hinatak ko ang bag sa ilalim ng kama ko at isa-isang inayos ang mga damit na dapat kong dalhin. Kinuha ko rin ang aking cellphone, credit card, at ATM. Nagdala rin ako ng wallet na naglalaman ng cash. Bahala na! Kailangan ko ‘tong gawin. I have no choice. Ilang sandali pa ay pumasok si Yaya Anni sa kwarto ko. Sakto namang papalabas na ako noong magkasalubong kami. Napahinto ako sa paglalakad at maging siya. Kapwa kami napatda at dumako ang tingin ni Yaya Annie sa travel bag na dala ko.
“M-Ma’am KC? S’Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Yaya Annie.
Napanganga ako at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Tumulo ang luha sa ‘king mga mata at niyakap ko nang mahigpit si Yaya Annie. Labis na nagtaka si Yaya Annie sa aking ikinikilos. Nang maghiwala kami sa pagkakayakap ay pinilit kong pigilan ang pag-iyak.
“Y-Yaya… I’m leaving,” tipid kong sagot at nagpakawal ng malalim na hangin.
“A-Ano? P-Pero saan ka pupunta, Ma’am KC?”
“Bahala na— sasama ako kay Aila.”
“Ma’am KC? Sigurado ka ba sa gagawin mong ‘yan?”
“Yes. Baka kapag ginawa ko ‘to ay saka lang nila ma-realize na may anak pala sila,” sagot ko kay Yaya Annie.
“P-Pero… kakayanin mo kaya ang mamuhay nang mag-isa? Hindi mo kakayanin. Sino ang magluluto ng pagkain mo? Sino ang maglalaba? Sino ang mag-aalaga sa ‘yo, Ma’am KC?”
Pinagsalikop ko ang mga kamay naming at seryoso siyang tinitigan sa mga mata niya.
“Yaya Annie, I can do this. Kaya ko at kakayanin ko. Kailangan kong mapatunayang kaya kong tumayo sa aking sarili. Para malaman ni Daddy na hindi na ako bata at may sarili na akong desisyon.”
Naiyak si Yaya Annie at ayaw akong payagang umalis. Nag-aalala siya nang labis sa ‘kin dahil alam niyang namuhay akong may marangyang buhay. Everything I want I get— except Ethan, the one I love that money can never buy.
“Sigurado ka na talaga, ha?” humagulgol si Yaya Annie.
“Sorry, Yaya Annie. Please, kailangan ko nang umalis,” pakiusap ko.
Pinunasan ni Yaya Annie ang luha sa kaniyang mga mata at suminghot pa. Tinungo niya ang pintuan at nagmasid sa labas kung may tao ba o wala. Sumenyas si Yaya na lumabas na ‘ko.
“Tutulungan kitang makaalis basta’t ipangako mo…”
“O-Opo, Yaya Annie.”
“Ipangako mong iingatan mo ang ‘yong sarili at babalik ka rito,” dagdag pa niya.
“I promised, Yaya. I promised!”
“Halika at sumunod. Sa likod tayo daraan.”
Sumunod ako kay Yaya Annie at sinamahan ako sa likurang bahagi ng mansion. Mabuti na lamang ay walang katao-tao sa kusina at kung hindi ay baka nakita na kami. Hanggang sa makalabas kami sa likurang gate ni Yaya Annie. Hinarap ko siya at kaagad na niyakap nang mahigpit. Nagtatalong ang puso ko at labis ang aking pasasalamat sa kaniya.
“Yaya Annie, thank you so much! Thank you!”
Lumingon si Yaya Annie sa mansion at marahan akong tinulak na para bang pinaalis na niya ako.
“Sige na, ako na ang bahala. Baka hanapin ka na nila at mapansing nawawala ka.”
“Pero, paano ka? Sumama ka na lang sa ‘kin?”
“Hindi p’wede. Kailangan kong bantayan si Ma’am Alexa. Mag-iingat ka, ha? Bumalik ka kapag handa ka na,” naiiyak niyang sambit.
Tumango ako bilang sagot at hindi na napigilan ang sariling umiyak. Mabilis akong tumalikod at tumakbo dahil kung patatagalin ko pa ay baka magbago ang isip ko at hindi na ako tuluyang makaalis pa. Habang naglalakad ay natanaw ko ang guard house. Napahinto ako at nagtago sa isang tabi. Hindi nila ako p’wede makita dahil makikilala nila ako.
“Tsk, what should I do? Maybe, I call Aila.”
Tatawagan ko na sana si Aila noong may dumaang taxi sa aking harapan at napanganga ako dahil lalagpas na iyon.
“W-Wait! Wait! Taxi! Wait!” hiyaw ko at dali-daling hinabol ang taxi at kinalampag ang bintana niya.
“Kuya! Wait!” sigaw kong muli.
Sa wakas ay huminto rin ang taxi at binuksan ko ang pinto. Bago pa ako makita ng mga gwardya ay nakapasok na ako sa loob at umupo.
“Saan, po, tayo, Ma’am?”
Hingal kabayo akong nakatingin sa salamin ni Kuya kung saan ay nakatingin din siya akin.
“K-Kuya, sa Silvestre Village, po,” sagot ko.
Inarangkada kaagad ni Kuya ang taxi at hindi ko napigilang lingunin ang Vista Verde Village kung saan ako nakatira at lumaki. Paalam, Mom and Dad… sana ay mapatawad ninyo ako sa ginawa kong ‘to. Sabi ko sa aking sarili.
Nang marating ko ang bahay ni Aila ay hindi siya makapaniwalang sasama ako sa kaniya.
“T-Teka, Besty! H-Hindi ko talaga in-expect ‘to! Sigurado ka ba sa pasya mo?”
“I said… yes! Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sa ‘yo!”
“But, KC, malalagot ako nito sa parents mo, e!”
“Hindi ka sasakay ng airplane. Baka tawagan ni Dad ang kakilala niya at mahanap ako.”
“A-Ano?! Hindi p’wede, Besty. Alam ko na ang tinatakbo ng isipan mo?!”
Pailing-iling si Aila at napasabunot ng kaniyang uluhan.
“Tama ka, at magba-bus tayo.”
“KC, alam mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba kung gaano tayo katagal na babyahe?!”
“H-Hindi. Hindi ko pa na-research.”
“OMG, Besty! Kalahating araw ang byahe natin lalo na’t traffic!”
Napatayo ako bigla sa kaniyang sinabi. I have no idea it's been that long.
“Please, Aila? Hindi na ako p’wedeng bumalik. Isa pa, kailangan na nating umalis ngayon din!”
Nanlaki ang mga mata ni Aila sa aking sinabi at napatayo nang biglaan, “What! Ngayon na?! As in?!”
“Yeah, you heared me. Kung hindi ay baka maabutan ako ni Dad.”
“Bakit, may pinagsabihan ka ba kung nasaan ka?”
Napayuko ako at bumuntong-hininga. Sumagi sa ‘king isipan si Yaya Annie na malungkot ang mga mata at ang kaniyang mukha.
“Si Yaya Annie,” sagot ko.