Chapter 6 (KC)

1346 Words
MAPANAKIT na tingin ang iginawad ko kay Daddy. He was really determined in what he wanted. Lumapit si Ethan sa aking tabi at niyakap ako nang mahigpit. Napasubsob na lang ang mukha ko sa leeg nito at humagulgol. Pakiramdam ko ay wala na akong mailuha. Biglaan din ang pangyayari. “Sshh… KC, I’m sorry… this is my fault,” ani Ethan. “Ethan! Fix this mess! You should marry her! Matagal na kayong ipinagsaksundo at nakahanda na ang lahat!” Lumapit sina Tita Mildred at Tito Ricardo sa ‘ming dalawa. Puno ng pag-aalala ang kanilang mga mukha. “But Dad! Hindi ako ang taong gusto ni Ethan! Wala siyang nararamdaman sa ‘kin at tinanggap ko na ang bagay na ‘yon kahit masakit!” “I know, KC! That’s why I want him to marry you! Ayaw kitang nakikitang masaktan!” singhal ni Dad. Napatda ako sa kaniyang sinabi. Does he concern? Napailing ako at hindi naniwala kay Dad. Even though he was my father I was blinded to the fact that he didn’t care about me. “I don’t believe you!” hiyaw ko. “Stop shouting, KC! How dare you to do that to your father!” galit na sabi ni Mom. “M-Mom? Babae ka rin?” sabi ko. “W-Wait… Richard… Alexa, we have something to tell you, so we are here,” singit ni Tita Mildred. “Sorry, Mildred. I know na nahihirapan din ang anak ninyo, pero paano naman ang anak namin?” daing ni Mommy. Nagkatinginan sina Tito Ricardo at Tita Mildred na tila may pag-aalangan. “Hindi na matutuloy ang kasal namin,” sagot ni Ethan. Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Ethan. Nadako ang tingin ko kay Ethan at gusto kong pumalahaw sa pag-iyak. Sa wakas, ay nagsalita rin si Ethan. Pakiramdam ko ay hindi na ako nag-iisa. “What are you saying?!” singhal ni Daddy at nilapitan si Ethan. “Richard, let us explain. Napagpasyahan naming huwag nang ituloy ang kasal nila ni KC. I’m so sorry about this but, Karen is pregnant,” paliwanag ni Tito Ricardo. “What?! Paano nangyari ‘yon?!” bulalas ni Mommy. Hinarap ni Ethan si Daddy ngunit laking gulat namin noong kinuwelyuhan ni Dad si Ethan. Aawat sana si Tito Ricardo ngunit pinigilan siya ni Ethan. “It’s alright, Dad…” “Ipinagpalit mo ang anak ko sa isang katulong?!” “Mahal ko si Karen at hindi lang siya basta katulong lang,” sagot ni Ethan. “Oh my God! What’s happening! I can’t believe this! Bakit ninyo siya hahayaang maikasal sa isang katulong?!” tanong ni Mom. “Watch your word, Alexa?! He’s my son at dinadala ni Karen ang magiging apo ko.” Napasabunot si Mommy sa buhok nito at napasalampak nang upo sa sofa. Sapo-sapo na rin ni Mommy ang kaniyang noo dahil sumasakit na ang ulo nito. Maging si Dad ay hindi na maipinta ang mukha. “What our friends our for?! Sinira mo ang usapan natin, Mildred!” dagdag ni Mom. “Sorry, Alexa, but I loved my son.” “Richard, let go of my son. Mag-usap tayo bilang lalaki sa lalaki,” sabi ni Tito Ricardo. Matiim na tinitigan ni Daddy si Ethan at binitiwan. Napasuklay ng buhok niya si Dad at tumalikod. Nagpamaywang si Dad at napahilamos ng mukha. “H-Hindi ko maintindihan! Everything is fixed! Why suddenly like this?!” singhal ni Dad. “Richard, alam natin ang pakiramdam ng ikasal sa taong hindi natin gusto. You know that. Gagawin din ba natin sa mga anak natin?” Nagkatinginan sina Mom at Dad. Ngayon ko lang nalaman na ipinagkasundo lang din pala sila? “Hindi ako papayag! Paano ang kahihiyan namin! Ang kompanya!” “Dad! Stop! Enough! Malaki na ako! Please, sana naman ay tumigil ka na, Dad? Ayaw na nila. Ayaw nila. Ayaw ko ring ituloy ang walang kwentang usapang ito,” umiiyak kong sabi. “Hindi ako papayag, Kate Cassey! You heard me?” Hindi ko natiis pa ang sarili at tumakbo ako paakyat sa aking kwarto. Padabog kong sinarado iyon at dinampot ko ang mga gamit sa side table ko at binato. Hindi ko mapigilan ang galit at bakit ipinagpipilitan pa rin ni Daddy ang gusto niya. Maging si Mommy at kinakampihan si Daddy! Nang mga sandaling iyon ay tinawagan ko si Aila. Sinagot niya naman kaagad ang tawag ko. “A-Aila…” “K-KC? Napatawag ka? Umiiyak ka ba?” nagtatakang tanong ni Aila sa kabilang linya. “Aila, please… isama mo ‘ko sa bakasyon mo. Gusto kong umalis dito!” pagmamakaawa ko. “A-Are you okay? Lalong magagalit ang daddy mo?” nag-aalangang sabi ni Aila. “Nagkausap na sina Ethan at Daddy. Bumalik na si Karen at buntis siya.” “What? Oh my gulay! Ano’ng plano mo?” “Sasama ako sa ‘yo,” direkta kong sabi habang nag-iimpake ng mga damit ko sa travel bag. “S-Sandali. Nabibigla ako sa mga sinasabi mo, KC.” “Please, wala akong ibang mapupuntahan. Gusto ko lang na maipakita sa kanila na kaya ko. I can! Malaki na ako! I’m not a kid anymore!” Napahinto ako sa pagsasalita noong may kumatok sa pinto. “KC! Kate Cassey! Open this d*mn door!” sigaw ni Daddy. “S-Si Dad… tatawagan kita ulit mamaya,” sabi ko kay Aila at inilapag ang cellphone ko sa sidetable. Nagmadali akong damputin ang travel bag at itinago sa ilalim ng kama ko. Hindi maaring malaman ni Daddy ang binabalak kong pag-alis. “Did you hear me?! Buksan mo ‘to, KC! Mag-usap tayo!” “Richard, please, enough! Ayaw na nila! Wala na tayong magagawa!” sigaw ni Mommy. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa ‘kin sina Mommy na umiiyak at si Dad na galit na galit. “D-Dad… M-Mom… I’m so sorry—” Naputol ang pagsasalita ko noong hablutin ako ni Daddy sa ‘king braso at hatakin papasok ng kwarto ko. “D-Dad! Nasasaktan ako!” “Richard! Nasasaktan ang anak natin!” sigaw ni Mommy. “Wala akong pakialam! Ang tigas na ng ulo mo, KC! Heto ba ang isusukli mo sa lahat ng maganda at marangyang buhay na pinaranas ko sa ‘yo?!” Napahiyaw ako at napahiga nang pabagsan noong sampalin ako ni Daddy. Para akong kinurot sa puso ko noong sandaling iyon. Hindi ako makapaniwalang sinaktan ako ni Dad. Unang beses niya iyong nagawa sa nag-iisa niyang anak. Pumatak ang luha sa aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang masakit na sampal niya sa aking pisngi. Sapo ko ngayon ang pisngi ko. “D-Dad…” umiiyak kong sambit. “Pinahiya mo ‘ko! Kami ng Mommy mo!” sigaw niya. “Richard! Huwag mong saktan ang anak natin!” “Pareho lang kayong dalawa. Hindi ninyo ako minahal! Wala kayong oras sa ‘kin! Puro kayo kompanya! Kompanya! Hindi ko kailangan ng mga material na bagay o marangyang buhay!” “How dare you to talk to me like that!” singhal ni Daddy. “Kung may pagkakataong pipili ako ng magulang— hindi kayo ang pipiliin ko!” sigaw ko nang buong lakas. Nanlaki ang mga mata ni Dad at hindi makapaniwala. Napahakbang siya nang paatras at tila nasaktan sa aking sinabi. “Bawiin mo ang sinabi mo!” “You are selfish! Walang ibang mahalaga sa ‘yo kun’di ang kompanya at sarili mong kahihiyan!” Masasampal pa sana ako ni Dad noong humarang si Mommy at tinamaan si Mom. Natumba si Mom at nasalo ko. Napahagulgol ako nang iyak dahil pati si Mom ay nasaktan na rin. “Mommy! Tama na, Dad!” Pumasok sa loob si Yaya Annie at tinulungan si Mom na makabangon. Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Yaya Annie habang nakatingin sa ‘kin. Umiiyak na rin si Yaya Annie dahil sa kaguluhang nangyayari. Hindi makapaniwala si Daddy na nasaktan niya rin si Mommy at napasabunot ng kaniyang buhok. Napailing si Daddy at nagpasyang lumabas ng kwarto at naiwan kaming tatlo sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD