Ang buong akala ko ay sa katapusan pa ng buwan ang leave ni Aila ngunit mukhang napaaga pa yata. Wala naman akong magawa dahil hindi ako makalabas. Hindi ko kinain ang dinalang pagkain ni Yaya Annie ngayong gabi dahil wala pa rin akong gana. Mayamaya pa ay may kumatok si Mom sa pinto.
“Hija, are you still awake?”
“Pasok, po,” tipid kong sagot.
Pumasok si Mom at nagtama ang tingin naming dalawa. Bakas sa mga mata ni Mom ang lungkot marahil ay apektado rin siya sa nangyayari. Nangako si Mom na kakausapin niya si Dad, ngunit mukha wala akong aasahan dahil kitang-kita ko kahapon kung paano magalit si Dad. Humiga ako at tinalikuran ko si Mom habang yakap ang isa kong unan.
“Anak, nagtatampo ka pa rin ba sa ‘kin?”
“What do you think, Mom?”
“I know… I’m so sorry kung wala akong magawa. Alam naman nating si Daddy mo lang ang talagang nasusunod.”
Nilingon ko si Mom at binalingan ng masakit na titig.
“Iniisip ninyo ang kapakanan ng kompanya, pero ako?”
Napabuntong-hininga si Mommy at tumayo. Humalukipkip din ang kaniyang mga braso at naglakad patungo sa aking bintana. Malayo ang tingin ni Mom at mukhang malalim din ang iniisip.
“Anak, we promised Ethan's parents that you would marry him, and they trusted us. Iniisip lang ng ‘yong ama ang kahihiyang dulot nito sa pamilya natin,” paliwanag ni Mom.
Muli ay hindi ko na naman napigilan ang sarili na maiyak. Ikakahiya pala nila ang kasal na hindi na matutuloy pa.
“Hija, prepare yourself tomorrow because Ethan's parents will be here,” ani Mom.
Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Bakit pa sila pupunta gayong ayaw na rin ni Ethan na ituloy ang kasal? Bumalikwas ako nang bangon and I sit straight. My eyebrows met and I looked at Mom intently. Naglakad si Mom patungo sa kinauupuan kong kama at tumabi sa akin.
“H-Huh? B-Bakit sila pupunta? Hindi pa ba malinaw sa kanila na ayaw sa ‘kin ng anak nila?”
Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata sa t’wing babanggitin ko ang katotohanang hindi ako magagawang mahalin ni Ethan. Para akong kandilang unti-unting nalulusaw sa isang madilim na katotohanan. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata habang si Mom ay nakayuko lang. Nagpakawala si Mom ng malalim na paghinga at kinuha ang mga kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa. Inangat niya ang kaniyang mukha.
“I’m so sorry, Hija. Sana ay maunawaan mo rin kami ng daddy mo.”
Umiling-iling ako at tumayo si Mom. Napatakip siya ng kaniyang bibig at mabilis na naglakad palabas ng kwarto ko. Nadako ang tingin ko sa kaniya at yumuko siya habang sinasara ang pinto ko. Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Hindi rin naman ako nakatulog nang maayos. Pumasok ako sa aking banyo at tinungo ang bathtub. Binuksan ko ang gripo at hinintay ko iyong mapuno. Nilaro-laro ko ang tubig at tulala ako sa kawalan. Humiga ako at ni-relax ang aking sarili.
Pakiramdam ko ay nawala ang mabigat kong pakiramdam noong inilubog ko na ang katawan ko sa tubig. Kasabay ang mabangong bubble bath na inilagay ko sa tubig. Hindi ko namalayang nakaidlip ako dahil sa sobrang antok. Nang idilat ko ang mga mata ko ay inayos ko ang aking pagkakaupo. Ilang sandali pa ay tumayo na rin ako para magbihis. Dumating si Yaya Annie para dalhan ako ng breakfast ko.
“Good morning, Ma’am KC. Hindi mo ginalaw ang dinner mo kagabi. Kumain ka na at maaga raw pong pupunta sina Sir Ethan at Ma’am Mildred.”
Gumuhit ang pilit na ngiti sa aking labi habang nagsusuklay ng bawat hibla ng aking mahabang buhok.
“Ma’am KC, alam kong hindi ka pa okay. Magtiwala ka sa itaas at hindi ka niya pababayaan.”
“Sana nga gano’n kadali lahat, Yaya. Haharapin ko silang lahat mamaya at ako na mismo ang aayaw. Baka sakaling maliwanagan din ang mga magulang ni Ethan,” sagot ko.
“Kumain ka na, Ma’am KC. Sige ka, papaya ka talaga niyan. Paano ka pa liligawan ng iba mong manliligaw niyan?”
Gumuhit ang matipid na ngiti sa aking labi at nilapitan ko si Yaya Annie. Niyakap ko siya nang mahigpit at nang magkahiwalay kami ay hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.
“Thank you, dahil napapangiti mo ako kahit papa’no. Kakain ako at baka mapagalitan ka ni Mommy kapag hindi ko kinain ang dal among food.”
“Ikaw pa ba, malakas ka kaya sa ‘kin.”
Pagkatapos kong mag-almusal ay dumating na sina Ethan at kasama nga nito ang magulang. Binundol ako ng matinding kaba sa ‘king dibdib. Tinawag ako ni Yaya Annie para bumaba. Hindi ko alam na nasa labas si Mom ng kwarto ko at naghihintay. Paglabas ko ay niyakap niya ako kaagad.
“Anak, sana ay makinig ka sa amin ni Daddy mo.”
Humiwalay ako pagkakayakap ko kay Mommy at ngumiti lang nang pilit. Hindi ako kumibo kay Mom at tinalikuran ko siya. Maglalakad na sana ako palayo nang hatakin ni Mom ang kanang kamay ko. Nilingon ko siya at nadako ang tingin ko sa aming kamay.
“Please, Kate Cassey…”
“I can’t promise to you, Mom…” mahina kong sagot.
Bakas sa mukha ni Mommy ang pagkadismaya sa aking sagot. Pinalis ko nang marahan ang kanang kamay ko at naglakad palayo. Naiwan si Mommy na hindi makapaniwala. Nang bumaba ako ng hagdan ay sumunod si Mom. Tinungo ko ang living room kung nasaan sina Ethan at ang mga magulang nito. Nadatnan kong nakaupo si Ethan at walang kabuhay-buhay ang mukha nito.
“Oh, hi, KC! Walang kupas ang ganda mo,” magiliw na bati ni Tita Mildred ang ina ni Ethan.
Nagkalad ako patungo kay Tita Mildred at ginawaran siya ng beso-beso sa magkabilang pisngi.
“Good morning, po, Tita Mildred,” matipid kong sagot.
“Are you okay? Mukhang maputla ka? May sakit ka ba?” nagtatakang tanong nito.
Yumuko lang ako, “W-Wala naman, po.”
Bakit ba nila ipinagpipilitan ang gusto nila. Nagbubulag-bulagan sila sa mga gusto nila at pansariling kasiyahan. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Daddy at seryoso ang mukha.
“Pasenya ka na sa abala, Richard. It's time for us to talk intensive.”
“I know, Mildred. Ricardo, take a seat,” mungkahi ni Dad.
Nanatili akong nakatayo at hindi kaagad ako nakagalaw. Pakiramdam ko ay gusto kong sumabog anumang sandali. Gusto kong sumigaw at magwala, ngunit hindi ko kaya. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanila ang gusto kong iparating.
“Umupo ka na, Hija,” sabi ni Mommy habang nakangiti.
“Tita Mildred, Tito Ricardo, I want to say something,” sabi ko habang kinakabahan.
Pinagsalikop ko ang magkabilang kamay ko na tila nagdarasal. Bahala na kung ano ang kakahinatnan niyon. Tagaktak na rin ang pawis ko sa sobrang kabog ng aking dibdib.
“KC, baka nakalilimutan mo na ang siabi ko?” paalala na sabi ni Daddy.
Seryoso kong tiningnan sina Tita Mildred at Tito Ricardo. Nang ilipat ko kay Mommy ang tingin ko ay bakas sa mga mata ni Mom ang takot at kaba. Alam niyang ipipilit ko talaga ang gusto ko.
“KC, Hija, please… can you sit down?” ani Mom.
“Sorry, Mom, Dad… but I have to do this.”
Tumayo si Daddy at namilog ang mga mata sa galit.
“What are you doing? Hindi mo ba ako naiintindihan?” galit na tanong ni Dad.
“Dad, sasabihin ko ang gusto kong sabihin.”
Napatayo sina Ethan, Tita Mildred at Tito Ricardo dahil ramdam nila ang matinding tension sa pagitan namin ni Daddy. Si Mommy ay tumayo na rin at hinawakan si Daddy sa braso niya.
“P-Pag-usapan natin ito nang maayos,” singit ni Tita Mildred.
“Mildred, Ricardo, matutuloy ang kasal nilang dalawa! Sa ayaw o gusto ni KC!” singhal ni Daddy.