Chapter 4 (KC)

1302 Words
NAMILOG ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. Hindi na ako bata para gawin niya ang bagay na ‘yon! Naiinis ako sa aking sarili. “Richard, makinig ka naman sa anak mo!” naiiyak na sabi ni Mommy. “You heared me. Hindi ka lalabas na mansion hangga’t hindi mo napagpasayahan ang magpakasal kay Ethan. Si Ethan ang ‘yong pakakasalan at walang iba!” bulyaw ni Daddy. Bakas sa mukha ni Dad ang galit dahil namumula na siya. Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng luha sa aking mga mata at tuluyang umiyak. Ano ba ang halaga ko kay Dad at bakit niya pinagpipilitan na maikasal ako kay Ethan. “But Dad?! You can’t do this to me!” “I can, KC! I can! Ako ang masusunod at sa lalong madaling panahon ay ikakasal na kayo!” Binalingan ako ng tingin ni Mommy na puno ng awa sa kaniyang mga mata. Maging siya ay walang magawa sa ninanais ni Dad. Sino ba naman ako at anak lang nila ako. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa mga binitiwang salita ng aking ama. “Nothing else matters to you but the company,” matigas kong sabi. “May pakialam ka ba talaga sa ‘min ng mommy mo? Para sa future mo rin ang ginagawa namin.” “Future? Ko? Or sa inyo?!” “How dare you, KC! ‘Yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo?!” Napakunot noo akong tinitigan nang matiim si Dad. “A-Ano’ng sinasabi mo, Dad? Akala ko ba ay maaayos natin ‘to? Dad, I’m old enough para mamili kung ano ang gusto ko! Wala kayong pakialam sa ‘kin! Kompanya lang ang nasa isipan ninyo!” Hindi ko na natiis pa at naglakad ako palabas ng opisina ni Mom. Nagmadali akong tinungo ang aking kwarto at padabog kong isinara ang pinto. Pabagsak akong humiga sa kama ko at sumubsob sa unan. Sobrang sakit na marinig ang mga salitang ‘yon kay Dad. Para akong pinaparusahan. Hinabol ako ni Mom at kumatok siya, ngunit ayaw ko siyang pagbuksan. Gusto ko munang mapag-isa. Hindi rin naman kaya ni Mommy si Daddy at mas nasusunod si Dad. “Leave me alone!” sigaw ko at humagulgol nang iyak. Para akong sinasaksak sa puso dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nasa akin na ang lahat— kotse, mayaman, tagapagmana ng kompanya, ngunit salat na salat sa pagmamahal. “Anak, Kate! Please, open this door! I’m so sorry, Hija. Wala akong magawa…” nagmamakaawang sabi ni Mom. Kinuha ko ang unan ko at itinakip sa aking tainga. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin ni Mommy. Wala rin naman siyang magagawa kahit ano ang sabihin niya. “KC, please… please…” “I said, leave me alone, Mom!” “Alright. Kapag handa ka nang kausapin ako, huwag kang mahiyang lumapit sa ‘kin.” Hindi ko na narinig pa si Mom at natitiyak kong nakaalis na siya. Ano ang gagawin ko? Ayaw talagang pumayag ni Dad. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ko ang mga matang puno ng pagmamakaawa noong nakausap ko si Ethan. Nangako ako sa kaniya na hindi ko na sila guguluhin pa ni Karen. Lumipas ang ilang oras ay kinatok ako ni Yaya Annie upang hatiran ng makakain. I opened the door at mabilis akong bumalik sa kama ko. Inilapag ni Yaya Annie ang hawak na tray sa aking side table. Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Yaya, please, lock the door,” mahinahon kong pakiusap. “Masusunod, po, Ma’am KC.” Ni-lock ni Yaya ang pinto at bumalik sa kinahihigaan ko. Nakadapa ako at yakap ang unan ko. Kanina pa ako umiiyak at namumugto na rin ang aking mga mata. “Ma’am KC? Kumain ka na,” ani Yaya Annie. “Wala akong gana,” matipid kong sagot. Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya ayaw kong kumain. Mas gusto kong magkulong na lamang buong araw sa kwarto ko. “Ma’am KC, kumain ka na. Sige ka, mahirap kapag nangayayat ka?” “Wala naman silang pakialam sa ‘kin. Puro kompanya ang nasa isipan nila,” nagtatampo kong sagot. Umupo si Yaya Annie sa aking tabi at bumangon ako para umupo. Napatda siya nang makita ang istura ko. “Diyos ko, po, Ma’am KC. Namamaga na ang mga mata mo sa kaiiyak.” “Nag-away na naman kami ni Dad. Yaya Annie, tama bang pagbawalan niya akong lumabas? Malaki na ako at I’m not a kid anymore!” “Halika nga rito,” sabi niya at niyakap ako nang mahigpit. Marahan niyang hinaplos ang aking uluhan. Naalala ko noong bata pa ako, kapag umiiyak ako ay parati akong niyayakap ni Yaya Annie. Nag-iisang anak na nga lang ako pero hindi ako masyadong napagtutuunan ng pansin nina Mommy at Daddy. Parati silang nasa out of town kaya minsan ay nag-stay ako kina Dexter para hindi ako nabo-borin. Si Yaya Annie ang nag-alaga sa ‘kin noon at sa kaniya ako naiwan. “Alam mo, dalaga ka na nga. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin, Ma’am KC.” “Yaya, gusto ko lang din naman mapasaya si Ethan. Alam kong magulang ko sila, pero— hindi tama ang kanilang ginagawa na ipagkasundo ako sa taong ayaw sa ‘kin. Sa taong hindi ako kayang mahalin. Hanggang kaibigan lang ang turing sa ‘kin ni Ethan, Yaya Annie.” “Magulang mo pa rin sila. Wala rin naman akong magawa sa ngayon, Ma’am KC. Ang gusto ko lang sabihin sa ‘yo ay makinig ka muna sa kanila kung bakit nila gusto o ipinipilit ang pagpapakasal mo kay Ethan.” Niyakap ko nang mahigpit si Yaya Annie at humagulgol nang iyak. “Yaya Annie, mabuti ka pa at pinakikinggan mo ako parati.” “Kung ano ang magpapasaya sa ‘yo, sundin mo ang puso mo. Kung alin ang karapatdapat na gawin mo at isaalang-alang. Matanda na rin ang mga magulang mo, Ma’am KC.” Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Yaya na sundin ang puso ko. Bukas na bukas din ay kakausapin ko si Daddy at ayaw kong mangyari ang ninanais niya. Ipaglalaban ko ang aking kaligayahan at hinding-hindi ko sila bibiguin kahit pa mas pinili ko ang sarili kong desisyon. Nang gabing iyon din ay tinawagan ako ni Aila. “Besty, paano na ‘yan? Hindi pala tayo p’wedeng magkita?” malungkot na sabi ni Aila sa kabilang linya. “Pasesnya ka na, Besty. Ayaw akong payagan ni Dad na lumabas. Galit na galit si Daddy kanina at alam kong hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya.” “Baka magtagal ako roon sa Bicol. Hays, kung kalian pa naman kailangan mo ng karamay.” “Okay lang, ano ka ba? Kailangan mo ring umuwi roon.” “Sigurado ka ba? Hindi ba kita p’wedeng bisitahin?” tanong niya. “Hindi na. Maybe, pagbalik mo na lang dito sa Manila. Sure ka ba na magtatagal ka talaga sa Bicol?” “Oo, e, para naman masulit ko ang bakasyon. Dadalawin nga sana kita at ayaing mag-shopping. Kaso mukhang malabo. Sa makalawa pa naman ang alis ko.” “Hayaan mo na, Besty. Basta mag-iingat ka sa travel, okay? Mami-miss kita,” nalulungkot kong sabi. “I will miss you too, Besty. Na-stress talaga ako sa nangyayari sa ‘yo. Alam mo isasama kita sa prayers ko, ha. Malay mo naman at pakinggan ng itaas ang pagdarasal ko. Sana magkaayos na kayo ng Dadddy mo.” Gumuhit ang ngiti sa aking labi at umupo sa aking kama. Lalo akong nalungkot nang ipaalam sa akin ni Aila na magbabakasyon siya sa Bicol. Gusto ko pa naman siyang makasama sa isangpagkakataon ngunit ayaw akong palabasin ni Daddy. Wala akong magawa sa ngayon kun’di ang sundin si Dad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD