MANAMIS-NAMIS at pinatuyong adobo ang pinakain sa akin ni Gio nang araw na iyon. Hindi ko mapigilan ang mapakain nang marami dahil aaminin kong masarap ang kaniyang pagkakaluto. Nakatitig sa akin si Gio at bahagyang ngumiti. OMG, I can’t! Bakit sa paningin ko ay nangisngislap ang kaniyang mga mata at para bang tumigil ang mundo ko sa matamis niyang ngiti. Napaawang ang labi ko nang sandaling iyon. “Bakit ka huminto? May problema ba?” usisa niya. Muli akong bumalik sa aking ulirat at ipinilig ang aking ulo. Umiling-iling ako at ibinalik sa plato ang aking atensyon. Lihim akong napangiti sa kabaitan ngayon ni Gio. “Ahm, wala. Ang sarap lang nito,” sagot ko. Napalunok din ako noong sabihin niyang mas masarap daw siya sa kaniyang nilutong adobo. Sandaling nabaling ang atensyon ko sa kani

