MAGILIW na umupo sa silya Gio sa kusina. Mukhang excited siyang kumain at matikman ang niluto ko. Nadako ang tingin niya sa mga kamay kong may benda at napakunot-noo. “Ano’ng nangyari sa mga kamay mo?” seryosong niyang tanong. Ibinaba ko ang mga kamay ko upang ikubli sa ilalim ng lamesa. Ayaw ko namang maging ugat ng problema. “Ah, napaso lang,” tipid kong sagot. “Hindi ka kasi nag-iingat, tsk!” pailing-iling siyang nagsalita. Nagkaslubong ang magkabilang kilay ko sa kaniyang sinabi. Concern ba siya or naninisi? Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ‘to. “Ayos lang. Natututo naman na akong magluto. Lesson learned,” ngingisi-ngisi kong sabi. Natahimik kaming sandali at tumikhim ako. Inusog ko ang mangkok kung saan nakalagay ang pinakbet na aking niluto. “Kumain ka na.” Inaasa

