HINDI ako makatingin nang diretso kay Gio dahil sa labis na inis nito sa akin. Sino ba naman ang hindi magagalit kung hahainan mo ng sunog na itlog at tustadong tuyo. Matalim niya akong tiningnan at tinakpan ang pinaghirapan kong nilutong ulam. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay habang tikom ang aking bibig dahil natitiyak kong sa sandaling magsalita ako ay lalabas ang mga salita sa sarado niyang bibig. “Ahm… I’m so sorry. I can’t cook. Look, sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako marunong…” nahihiya kong sabi. Napakamot si Gio ng kaniyang uluhan at napahilamos ng kaniyang mukha. “Ilang taon ka na nga ulit?” “Twenty-five…” “Wala ka bang balak mag-asawa?” Namilog ang mga mata ko sa kaniyang tanong. Kung may balak man ako ay hindi ko alam at saan matatagpuan ang lalaking nakatadhana para

