MAALIWALAS ang panahon at masarap sa tainga ang huni ng mga ibon. Animoy isang awitin na inaalis niyon ang matinding stress ko. Nag-aasikaso si Gio sa kabilang kwarto at ako ay nagliligpit ng aking higaan. Hindi ko na namalayan pang dumating si Gio. Nasa pintuan siya at nakatayo, matiim akong pinagmamasdan. “Ehem…” tikhim ni Gio. Inangat ko ang aking mukha at binalingan siya ng tingin. “G-Good morning… m-may kailangan ka?” usisa ko. “Maghapon akong magtatrabaho sa sakahan.” “Uhm… gano’n ba. M-May maitutulong ba ako?” Humalukipkip ang kaniyang braso at ngumiti nang pilyo. “Maiiwan ka muna rito at… ikaw na ang bahala sa kakainin natin,” bilin nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumalikod ako at pinagsalikop ang mga kamay ko na tila nagdarasal. Sasabihin ko ba sa kaniya

