BAGO matulog nang gabing iyon ay nagdasal muna ako at iniwan kong bukas ang ilaw sa kwarto. Kung magpapadala ako sa takot sa sinasabi ni Gio na aswang ay hindi ako magkakaroon ng maayos na tulog. Kapag nalaman ko lang na may kinalaman si Gio nang gabing iyon ay humanda siya. Habang nakahiga ay sumagi sa aking isipan sina Mommy at Daddy. Natitiyak kong pinahahanap na nila ako. Isang buwan lang ang kailang ko at babalik ako, Mom… sana ay maging maayos ang lahat sa pagbalik ko. Umalingawngaw ang tilaok ng mga tandang sa paligid. Nanuot sa balat ko ang lamig at napayakap ako sa unan habang balot ng kumot ang buo kong katawan. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at bumangon nang marahan. Gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil panibagong araw ito para magsimula ako ng panibagong buhay. Tumayo

