NILAGOK ni Alexa ang isang basong wine at matiim na nakatitig sa malayo. Hindi niya lubos akalain na naglayas si KC at iniwan sila. Nagkasalubong ang magkabilang kilay niya noong sabihin ng mga bodyguard nila na hindi nila nakuha si KC. Kahit ang kaibigan nitong si Aila ay hindi alam kung nasaan ang kaisa-isahan niyang anak. Sa sobrang galit ay hinagis niya ang hawak na babasaging kopita sa harapan niya at nabasag iyon dahil tumama sa pader. Umalingawngaw ang ingay niyon sa mansion. Napakuyom ng palad niya si Alexa at halos sumabog ang puso niya. “Where are you, KC? Bakit mo kami iniwan at ngayon hindi namin alam kung saang lupalop ka hahanapin,” mariin na sambit niya sa hangin. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone at mabilis niya iyong dinampot glass table. Nang makita ang numero ay

