Chapter 35 (KC)

1732 Words

PINAGPAPAWISAN ako nang malapot at malamig. Nakahiga ako sa kama at pilit na ikinakalma ang aking sarili. Pakiramdam ko ay ang sama na ng pakiramdam ko. Baka magkasakit ako at si Gio ang sisihin ko at walang iba. Ayaw kong lumabas ng kwarto at hindi ko alam paano ko haharapin si Gio. Siguro ang saya-saya niya at nakaganti siya. Hindi ko akalain na may tinatago pang galit si Gio. Hindi ko siya masisisi pero hindi ito tama. Kaya kong magtiis pero hindi ganito. “KC, lumabas ka na. Pakibuksan ang pinto,” ani Gio sa labas. “Ayaw kitang makausap.” “Kinakausap mo na ako ngayon.” “Augh! Bw*sit! Ano ba ang kailangan mo?” naiinis kong tanong. “Lumabas ka na at kumain. Hindi ka pa kumakain simula kaninang pananghalian.” Nang tingnan ko ang aking relo ay alas-sais na ng gabi. Napahilamos ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD