TUMUNGO si Nana Anchita sa bahay at dinalaw ako. Wala si Gio at pumunta sa bayan kasama si Kuya Pedro. Ilang sandali pa ay dumating si Ate Tina na may dalang prutas. “KC, ano’ng nangyari? Totoo bang pinakain ka ni Gio ng dagang bukid?” nag-aalalang tanong ni Nana Anchita. Tumango ako ng ilang beses bilang sagot. Nakaupo ako sa kama at nagbabalat ng orange si Ate Tina. “Pasaway na Gio. Humanda siya kay Nana Anchita pagdating niya mamaya,” singit ni Ate Tina. Ginagap ko ang kamay ni Nana Anchita at hilaw na ngumiti. “Hayaan ninyo na, ho, Nana Anchita. Huwag ninyo nang sermonan si Gio. Kasalanan ko rin, po, kung bakit niya iyon ginawa.” “KC, hindi ko p’wedeng konsintihin si Gio. Nasa pamamahay ko siya at bisita rin kita. Hindi tama ang ginawa niya sa ‘yo. Dahil sa ginawa niya ay nagka

