Chapter 1
ANGEL DEE MORGAN'S POV
Sa wakas, natapos na rin ang huling subject ko sa araw na ito. I glanced at my wrist watch. Pasado alas tres na ng hapon. Masyadong giganahan mag-overtime si Mrs. Quinto. Tss! Agad kong nilisan ang classroom at walang lingong tinungo ang parking lot to get my baby. By "my baby", I meant my mighty Koegnigsegg CCXR Trevita. Katabi ng aking kotse, nakahilera ang ilang magagarang sasakyan ng ibang mga mayayamang estudyante dito sa Pear East University. But my Trevita is the finest of them all. I proudly rode my car and left the university.
My father's birthday party starts six in the evening. I know I still have time but I haven't chosen what to wear yet and to top that, I haven't bought a birthday gift neither. Ipagpaumanhin niyo sana. Masyadong busy ang buhay ko ngayon lalo na't nalalapit na ang on-the-job training ko.
I drove to my favorite boutique, Stella Haute.
"Good afternoon, Sir," bati sa akin ng isang dalaga. Hindi pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Bagong empeyado siguro. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya bago nilibot ng aking mata ang kabuuan ng boutique. Parang nag-iba ang ang itsura. They re-arranged the racks. "May I assist you, Si---" hindi natapos ng babae ang kanyang sasabihin dahil pinutol ng isang pamilyar na boses.
"I'll handle his needs, Trish," sabi ng isang nakangiting babae di kalayuan sa kinatatayuan ko. Tumango lang ang babaeng Trish at umalis. "How's my favorite cousin?" bati sa akin ng babae at niyakap ako. She's Stella Moreno, ang may-ari ng Stella Haute at ang paborito kong pinsan.
"Ate Stella, this is surprising," I exclaimed and hugged her back. She's five years older than me kaya ate ang tawag ko sa kanya. "I thought you're in Europe."
"I can't miss THE Don Ignacio Morgan's birthday party."
"Is your fiance with you?" tanong ko.
Biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. "Nope," she pouted. "Masyadong busy ang modelong iyon ngayon kaya hayun, iniwan ko sa Europe." Bigla siyang tumawa kaya nakitawa na rin ako. "Anyway, follow me upstairs. I'll show you my latest suit collection." She winked and led the way.
Pina-upo niya ako sa isang puting sofa sa gitna ng kwartong pinagdalhan niya sa akin. Maya-maya pa. dalawang suit rack ang tumambad sa aking harapan.
"Pick your best choice," Stella sated before sitting beside me.
I stood from the seat at iniisa-isang sinuyo ang mga suits sa harapan ko. Hanggang isang pares ng suit ang umagaw ng aking attention. It was a gray suit with a pink shirt and a dark bow tie. I took it from the rack and tried it instantly.
"Perfect!" ate Stella commented the moment I stepped out from the fitting room. Hinila niya ako sa harap ng isang malaking salamin sa kabilang bahagi ng kawarto. "Naks! Ang gwapo natin ah!" Inayos niya ang bow tie ko. "May girlfriend ka na ba?" Biglaan niyang tanong dahilan para mapatingin ako sa kanya ng wala sa oras.
I cleared my throat. "W-Wala pa."
"Wala pa? Seryoso?" Gulat niyang reaksyon. Napakamot ako sa batok ko at tumango. "Pero may nililigawan ka?"
"Wala rin."
"OMG!" Nasapo niya ang noo niya na para bang napaka-frustrating ng mga sagot ko. Tumayo siya sa harap ko ang sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. "Hmm.. sa tingin ko, alam ko na kung bakit." She crossed her arms and raise an eyebrow.
Napalunok ako. "B-Bakit po?"
"Kasi ikaw ang nililigawan nila at wala ka pang sinasagot." Napanganga ako sa sinagot niya. Hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin niya. "I'm positive marami kang admirers."
"Hindi naman.."
"Ay sus! Pa-humble!" She rolled her eyes. "Sa gwapo mong 'yan? Come on! Don't tell me wala kang natatanggap na mga love letters lalo na 'yong mga isinuksok sa locker mo?" Bigla siyang natawa sa sinabi niya. "Wala bang mga babaeng nagco-confess sa'yo?" Nginitian ko lang siya. "See?" She rolled her eyes again at umalis sa harap ko. "Ewan ko sa'yo Dee. Na-ii-stress ako sa'yo. Gagraduate ka na ng college, virgin ka pa rin." Bigla siyang bumalik sa harap ko. "Don't tell me, virgin ka pa?"
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako ng diretso sa mata niya. Hindi ko rin alam kung akong ekspresyon sa mukha ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito. She dramatically put her hands over her mouth and let out one very dramatic gasp. She stayed like that for a couple of seconds before laughing loudly in front of me.
"Ang mukha mo..." sabi niya sa pagitan ng kanyang tawa. "...nakakatawa." Nagpatuloy siya sa pagtawa samatalang nanatili akong nakatayo at di alam ang gagawin. She composed herself. "It's fine. Don't feel pressured. Take your time. I'm happy to know that the M Corporation heir is a decent and respectable young man." She pat my right cheek twice with her palm. "Yang mong dibdibin lahat ng mga sinabi ko, binibiro lang kita."
"I know," I replied.
She asked me to wait for her as she dolled herself up. Total magkasama narin lang naman kami ngayon, we decided to go to the party together. It took her nearly an hour to finish. We immediately left her boutique and went to a Rolex Shop. I still have to buy a present for my father.
Marami nang mga bisita ng makarating kami sa mansion. Ate Stella confidently strode her way among the crowd. The mansion is already set for the party though nakikita kong abala pa ang ilang mga maids sa ilang mga disenyo which is okay dahil may thirty minutes pa bago magsimula ang party. I ushered ate Stella to the living room sa ikalawang palapag ng bahay. Ensaktong nandoon sina mommy at mga magulang ni ate Stella. Binati namin ang isa't-isa. Kagaya ko, gulat rin sila sa pagdating ni ate Stella. Maging ang mga magulang nito ay walang kamalay-kamalay na umuwi ito sa Pilipinas.
I sat beside my mom and whispered, "Wher's Lulu and Faye?"
"Nag-aayos pa," sagot ni Mommy. "Puntahan mo nga. Magsisimula na ang party."
Nagpa-alam muna ako sa kanilang lahat bago sila iniwan at puntahan ang mga kapatid ko. Una kong tinungo ang kwarto ni Lulu at kinatok. Bumukas ang pinto at iniluwa si Faye, ng bunso namin.
"Kuya!" malakas nyang sabi at agad akong niyakap. Anong ginagawa niya dito sa kwarto ng ate niya? She released the hug and pulled me inside the room.
"Nasaan ate Lulu mo?" tanong ko ng makitang wala si Lulu sa kwarto niya.
"Nasa loob," sagot ni Faye sabay turo sa pinto ng walk in closet. "Kuya, how do I look?" She stood before me and turned around. She's wearing a peach button long sleeve chiffon mini dress with her hair tied up and a round dangling earings.
"You look beautiful." Ngumisi siya sa harap ko. I cupped her face. "Malapit ka ng mag-18. Magbo-boyfriend ka na." I acted sad.
"Don't worry, Kuya, ipapakilala ko naman sayo ang magiging boyfriend ko."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "So, magbo-boyfriend ka talaga?"
"Of course Kuya noh!" She rolled her eyes. "Dadating at dadating din ako sa stage na yan. Pero wala pa akong nakikitang katulad mo, so mamaya na pag may nahanap na ako."
"Katulad ko?" tanong ko sabay tago ng ngiti sa mga labi ko.
"Oo. Gusto ko kagaya mo ang maging boyfriend ko. Mabait, sweet, matalino at gwapo."
"H'wag kang maniwala dyan Kuya, binobola ka lang ng batang yan," bulyaw ni Lulu na kalalabas lang ng walk in closet niya. She's wearing a white blazer dress na may apat na gold buttons sa harap.
"Totoo," depensa ni Faye sa sarili niya but Lulu just rolled her eyes.
I lovingly looked at my sisters. "Ang gaganda naman ng mga kapatid ko." Bigla namang nag-pose na parang mga modelo ang dalawa sa harap ko.
Nanatili kami sa loob ng kwarto hanggang sa magsimula ang birthday party. Si daddy ay hindi pinalabas ng kwarto hanggang sa magsimula ang party. Bigla nalang may kumatok sa pinto at pinalabas kami dahil magsisimula na daw. We were told by the organizer to join my mom in the living room with ate Stella and her parents. We were instructed to wait until we are called and then we'll walk down the huge staircase in the center of the house to the center of the attached stage. Pagkatapos nun ay tatawagin si daddy at itutuon sa kanya ang spotlight. Daig pa nito ang 18th birthday party ni Lulu.
Nagsimula ang party at sinunod lang namin ang mga instructions ng organizer. The family was asked to give birthday wishes and messages which was then followed by my dad's speech.
"Ladies and gentleman, let's give a hand to the one and only Don Ignacio Morgan," sabi ng emcee. Sumunod naman ang palakpakan ng mga tao.
"Ako ay labis na nagagalak sa inyong pagdalo," panimula ni daddy. "Sa kabila ng aking pinagdaanan sa mundo ng negosyo, nagpapasalamat ako sapagkat nanatili kayong nakasuporta sa akin. Hindi ko mararating ang ruruk ng tagumpay na ito kung hindi dahil sa inyong patuloy na paniniwala. Alam kong hindi na ako bumabata pero binibigyan ninyo ako ng lakas. Pakiramdam ko. bumabalik ako sa pagiging binata." Nagtawanan ang mga tao. Hinintay niyang matapos ang tawanan bago nagpatuloy. "This birthday celebration is a special one, because I don't only have my business partners, friends and acquaintances are here in this crowd, but also my M Education Inc. scholars." He called the scholars to join him on the stage. Nakasuot sila ng kulay blue na shirt na may nakaburdang MEI sa kaliwang bahagi ng dibdib. "M Corporation is not only a mere king in the business world, I decided to extend my power in helping the future leaders of the nation. Next Semester, I will open the East Pearl Academy. They will undergo several leadership training and actvities that will help develop their crucial leadership skills. The training will happen every Saturday in order not to interfere so much with their studies." Muling pumalakpak ang mga tao. "Of course, my son will join my scholars." He asked me join them so I had no choice but to stand on my seat and walk up on stage. He held my shoulder in front of the crowd. "I have high hopes that my son, will continue the Morgan legacy." Isang masigabong palakpakan ang sunod kong narinig. I smiled in front of everyone.
The party continued. Walang ibang ginawa ang mga tao kundi ang magkwentuhan. Panay naman ang pakilala ni daddy sa akin sa mga kaibigan niya. Daddy said it's not bad for me to meet big people in the business world now. I'm going to have my degree in business soon and will probably replace his throne. I took business as a course as what dad told me, He also taught me business related stuff. My father's a wise businessman and he has my respect.
Sa wakas, natapos na rin ang walang hanggang pakikipag--usap ko sa mga kakilala ni daddy. Ang daming tao hindi ko na mahagilap ang mga kapatid ko. Uoo, hinahanap ko ngayon ang nga kapatid ko. Baka umiinom na ang mga 'yon. Call me an overprotective brother, wala akong pakialam. Masyadong maiiksi ang suot ng dalawang yun baka kung sino-sinong mga insekto pang dumikit sa mga 'yon. Alam kong mga anak mayaman ang mga binata at dalagang nandito, pero minsan hindi kasing desente ng mukha ang pag-uugali ng isang tao.
Nagpunta ako sa second floor ng bahay, sa may living room. Walang tao. I decided to go to the balcony. Doon ko titingnan kung nasa may pool ba sila. Mas madaling makita sapagkat nasa taas ako. Nasa may balcony na ako ng may marinig ako.
"Gusto kong mapag-isa, Drew." Boses ng isang babae. Agad akong nagtago sa likod ng kurtina.
"Mas maganda kung gusto mong mapag-isa, kasama ako." sagot ng Drew.
"Ano ba, umalis ka nga." Saway nang babae. "Gusto ko ngang mapag-isa."
"Wag ka na ngang pakipot, Shane, alam ko namang gusto mo rin eh." My brows forrowed at what I heard. I stept in the balcony. Nasa kanang gilid sila, nakatalikod sa akin, kaya hindi nila ako napansin. I leaned on the wall. Medyo madilim ang parteng ito ng balcony, pabor na pabor sa lugar. "Gusto mo gawin natin sa isa sa mga CR sa mansiong ito? Masyadong busy ang mga tao sa ibaba. hindi nila tayo mapapansin." Magkatabi sila at hawak ng lalaki ang beywang ng babae. I saw his hand moved towards the girl's buttocks and squeezed it.
"Ano ba," marahas na kinuha ng babae ang kamay ng lalaki sa kanyang pwet. "Ayoko nga sabi eh!"
"Sandali la---"
"Alin ba sa 'Gusto kong mapag-isa', 'umalis ka' at 'ayoko' ang hindi mo maintindihan?" putol ko sa sasabihin ng lalaki. Agad silang napaharap sa akin. Napansin ko naman ang mga suot nilang blue shirt na may MEI sa kaliwang dibdib. What the f**k! "Ayaw ng babae pare kaya awat na. Simpleng mga pangungusap, hindi mo kayang maintindihan? Nakakalungkot. Scholar ka pa naman ng MEI." I stared at the embroidered letters in his shirt. "Ba't ka ba nakapasa sa scholarship? Halata namang mahina ang comprehension mo."
"Anong sabi mo?" nanggigilaiting tanong ng lalaki.
"Alam kong hindi ka bingi."
Hindi man masyadong maliwanag, kitang-kita ko ang pag-iba ng timpla ng mukha ng lalaki. "Ano bang paki-alam mo? Girlfriend ko naman 'to."
"So? Ibig sabihin ba niyan ay pwede mo siyang dalhin sa isa sa mga CR dito dahil lang sa gusto mong magpaputok?"
"Ayusin mo ang tabas ng dila mo, pare."
"Ikaw ang umayos dahil nasa pamamahay kita. I don't want someone like you disrespecting any corners of my house. Kahit CR pa yan."
He immediately rushed towards me and pulled my collar but a man suddenly came and pulled him away from me. "Drew, h'wag," sabi ng lalaki.
"You can hit me," kaswal na sabi ko. "That is if you wanna say goodbye to your scholarship." Susugurin niya sana ulit ako kasi pinigilan siyang nang lalaki. Inayos ko ang suit ko at hinarap ang babae. "Shane, right?" Tumango ang babae. "Matalino ka diba? Pakigamit rin ng utak pag may time, okay?" I shifterd my gaze to Drew and back to her. "You deserve better." With that, I left the balcony.
...
...
...
...
KAI DE LUNA'S POV:
"Nasaan ka na ba Shane?"
Punyetang babae yun. Sabi kong wag umalis sa tabi ko, pero hindi nakinig. At punyetang bahay 'to ang laki! Nasa mansyon ako ng mga Morgan dahil invited kaming mga scholars sa birthday party ni Don Ignacio Morgan. Grabe ang yaman nila. Ang laki-laki ng mansyon nila. Kanina pa ako paikot-ikot dito, naliligaw na yata ako. Ang dami rin kasing tao. Ang gara ng party nila. Halatang mayayaman talaga ang mga bisita. Para silang mga kumikinang na mga bituin sa langit dahil sa mga mamahaling alahas na suot nila. Ang gara ng party pero ang boring. Hindi kagaya ng party naming mga normal na tao. May mga games. Dito, wala. Nakatunganga ka lang.
Nalibot ko na yata ang buong party area pero wala akong nakitang Shane. Nasaan na ba ang babaeng yun. Brokenhearted yung best friend kong yun eh kaya hindi pwedeng mapag-isa. Ang talino sana pero ang bobita pagdating sa pag-ibig. Scholar rin si Shane kagaya ko. Maging ang boyfriend niya ay scholar din. Sabay kaming lahat na nagpunta dito kasama ang ibang mga scholars. She found out that Drew, his boyfriend was cheating on her and this isn't the first time. I told her to distance herself from Drew for the moment and stick with me, pero hayun, biglang nawala.
I decided to look for her upstairs. Baka nandoon sila sa living room. Pagdating ko doon ay wala akong nadatnan. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap papuntang balcony pero may nakita akong lalaking nakayo sa may kurtina. Agad rin akong nagtago sa likod ng maliit na mesa. Hindi niya ako napansin so I'm safe. Pinagmasdan ko lang siya at agad ko siyang namukhaan. Siya yong panganay na anak ni Don Ignacio. Yung tagapagmana na makakasama namin sa Academy next semester.
Ilang sandali lang ay normal siyang nagtungo sa balcony, kaya ako ang pumalit sa pwesto niya. Maingat akong tumakbo patungo sa kurtina at nagkubli roon.
"Ayoko nga sabi eh!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Shane. Magkasama sila ng anak ni Don Ignacio?
"Sandali la---"
"Alin ba sa 'Gusto kong mapag-isa', 'umalis ka' at 'ayoko' ang hindi mo maintindihan?" Sino yun? Agad akong sumilip at nakita ko ang likod ng anak ni Don Ignacio at kaharap nito sina Drew at Shane. Nanlaking muli ang aking mga mata. Ba't sila nanditong tatlo? "Ayaw ng babae pare kaya awat na. Simpleng mga pangungusap, hindi mo kayang maintindihan? Nakakalungkot. Scholar ka pa naman ng MEI. Ba't ka ba nakapasa sa scholarship? Halata namang mahina ang comprehension mo."
Matalas din ang dila ng lalaking ito, hindi halata sa mukha.
"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Drew.
"Alam kong hindi ka bingi."
"Ano bang paki-alam mo? Girlfriend ko naman 'to."
"So? Ibig sabihin ba niyan ay pwede mo siyang dalhin sa isa sa mga CR dito dahil lang sa gusto mong magpaputok?"
What he said was real. Girlfriend niya si Shane pero hindi niya ito pagmamay-ari. Wala siyang nikatiting na karapatan sa katawan ng bestfriend ko. Naging pranka ako sa best friend ko pero hiniling niyang huwag akong makialam sa relasyon nilang dalawa. Kaya bilang respeto, tumahimk ako kahit gusto ko nang suntukin si Drew.
Hindi kami close ni Drew. Pinagseselosan nga ako ng mokong nayun minsan. Ang talino sana pero ang kitid ng utak. Hindi ko sila maintindihang dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi nila magamit ng tama ang mga utak nila. Kaya nga ayokong pumasok sa isang relasyon.
"Ayusin mo ang tabas ng dila mo, pare."
"Ikaw ang umayos dahil nasa pamamahay kita. I don't want someone like you disrespecting any corners of my house. Kahit CR pa yan."
Nakita kong sinugod ni Drew ang lalaki at kinwelyuhan kaya agad akong tumakbo palapit at inawat ang dalawa. Inilayo ko si Drew sa lalaki. "Drew, h'wag," Hindi sila pwedeng mag-away, malaking gulo ang mangyayari.
"You can hit me," kaswal na sabi ng lalaki. "That is if you wanna say goodbye to your scholarship." Susugurin niya sana ulit ni Drew ang lalaki pero pinigilan ko siya. Ayaw ko man kay Drew pero sa kabila ng kanyang pagka-playboy, mahalaga kay Drew ang scholarship na ito. Namamangha nga ako kung paanong napagsabay ni Drew ang scholarship at pagiging playboy niya. Di man halata, pero mahalaga kay Drew ang scholarship na ito. Mahalaga ito para sa aming hindi kayang pag-aralin ng kolehiyo ng mga magulang namin.
Inayos ng lalaki ang kanyang damit. Halatang mamahalin ang suit niya. Maya-maya pa ay humarap siya kay Shane. "Shane, right?" tanong nito. Tumango naman si Shane. "Matalino ka diba? Pakigamit rin ng utak pag may time, okay?" I saw his gaze shifted from Shane to Drew and back to Shane again. "You deserve better," he said before leaving us in the balcony.
Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang kanyang likod. He's brimming with confidence and authority just like his father.