Mahigit dalawang linggo ang lumipas at nanatiling ganoon ang ginagawa ko sa trabaho. Linis ng pwedeng linisin, magluto, mag-iwan ng note kung sakaling may nais na sabihin at umuwi.
Hindi siya hassle dahil walang exact na oras kung kailan ka dapat dumating doon at wala rin namang maghihigpit sa'yo dahil wala ang owner. Though, I knew that he was real.
Lingguhan ang sahod ko at tuwing Monday to Saturday lang ang pasok ko roon. Kapag Saturday na, mayro'n akong naaabutang sobre sa may ibabaw ng center table at nakalagay roon ang to Daphne.
I was actually surprised that he knew my name.
"So far, kamusta ang work?" Busy ako sa pagpupunas ng bola nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
Hindi na ako nag-abalang lingunin siya. Hinagis ko ang bola sa loob ng basket at kumuha ulit ng panibagong pupunasan.
"Shut up," mahina ngunit alam kong rinig niya na sabi ko.
"Oh, sorry." Lilingunin ko sana siya para bigyan nang masamang tingin pero nakalipat na ito sa harap ko. "Muntikan ko nang makalimutan." Bumungisngis ito at nag-peace sign.
Ilang segundo ko siyang tiningnan bago mapailing at mapabuntong-hininga.
"Well, it's okay. It couldn't be helped." Isa pa, siya rin ang nagturo sa'kin ng bagong work ko ngayon. May benefit ako so wala akong karapatang maging maarte sa kanya.
Though, wala naman ding masama sa pagwo-work na ginagawa ko pero ayokong malaman 'yon ng ibang tao. Halos lahat ay perpekto ang tingin sa'kin. Marami akong benefit na nakukuha roon. Ayokong masira 'yon sa dahil lang ganito ang status na mayro'n ako.
Marami pa namang naiinggit sa'kin at gustong-gusto akong masira sa kahit anong paraan. I couldn't risk my title for any reason. Okay na ako sa ganito.
Mabuti na lang talaga at mapagkakatiwalaan si Pauleen.
"So, kamusta nga?" Though, she still asked it. Humina lang nang kaunti ang boses niya.
Kapag chismosa talaga, hindi mo mapipigilan kahit anong pagbabawal ang gawin mo.
"Ayos naman," tipid kong sagot.
"Nameet mo na 'yong owner ng unit?" Napatigil ako sa ginagawa at tiningnan siya.
"Hindi pa," another short reply from me.
"Aww... sayang naman,"
"Bakit?" Tumaas nang bahagya ang kilay ko.
"Oh, interesado ka?" Tumaas din ang kilay niya.
Unusual nga 'to. Madalas ay wala akong paki sa mga bagay-bagay.
"Hindi naman." Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Medyo kamukha siya no'ng ka-club mo na Laxina rin," she still continued talking even though I made my last words looked like not interested.
"Ah..."
"Riu name niya sa f*******:. Medyo mahirap lang hanapin kasi maraming ka-name,"
"Riu?" Kumunot ang noo ko.
"Oo. Nakwento lang ni mama 'yong name kaya alam ko. Tinry ko ngang i-add 'yon sa sss pero hindi naman nang-a-accept,"
"Riu..." I was stuck in the name.
"Try mo i-search mamaya sa f*******:. Ang pogi, 'teh! Teka, crush ko 'yon, ha, bawal na makiagaw." Aniya at makahulugang ngumiti.
"Crush mo 'yon? Ilang taon na ba 'yon?" I asked, not curious about the guy but about her taste.
"24! Batang-bata pa!"
"Five years ang agwat sa'tin. Masyadong matanda 'yon, ah."
Naiintindihan ko na kung bakit wala siya lagi sa bahay. 'Yong mga gano'ng edad talaga ang busy sa buhay, lalo na sa trabaho.
"Ano ka ba naman, Daphne. Walang age-age sa pagmamahal." Tinapik-tapik niya ang likuran ko at tumayo. "Sige na, kailangan ko pang bigyan ng training ang mga Grade 7."
Walang age-age sa pagmamahal? In the first place, kailangan ba ng pagmamahal?
She was really weird. Hindi na rin ako nakapag-bye, bigla na lang siyang nawala sa harap ko.
Nang marinig ko na ang bell, nagbihis na agad ako at dumiretso sa klase ko. Mabilis lang itong natapos kaya no'ng maglunch ay dumiretso rin ako sa club namin.
No'ng nakaraan ay naging official member na ako ng club ni Riane. Napapayag niya ako at tingin ko naman ay worth it ang ginawa kong desisyon.
"Good afternoon," Mahinang bati ko kay Riane nang umupo siya sa tabi ko.
"Uh... yeah..." Her reply was too dry, though. Ganito ba talaga niya kaayaw sa'kin?
Pero ramdam ko ang minsang pagsulyap-sulyap o palihim na tingin niya sa'kin. I wonder... what was she thinking?
"Have you eaten, Riane?" Bukod kay Quentil at Riane, member din si Acril ng club na 'to.
Apat lang kami rito at hindi naman nakakagulat 'yon.
Iyon nga lang, panay pa rin ang sulpot ng ilang babae para kina Quentil at Acril. May ilang gustong sumali sa club para sa dalawa pero strict na nire-reject ni Riane.
"Hindi pa. Bakit?" Tumayo ito at inihagis ang cellphone sa bag niya.
Careless little s**t. Hindi ba niya alam paano pahalagahan ang gamit?
"Let's go. Treat kita." He smiled a bit on her.
Sa ilang araw ko rito, alam ko nang gusto ni Acril si Riane. Sa kabilang banda, si Quentil naman ang gusto ni Riane. Sa ngayon ay hindi pa pero for sure, magugustuhan din ni Quentil si Riane. Hindi nga lang sa ngayon.
"Sama kami ni Daphne. Ako na lang 'yong magbabayad ng lahat ng kakainin natin." Nagpantig ang tainga ko nang magsalita si Quentil at narinig ang pangalan ko.
Nakatayo rin siya at hinagis ang cellphone sa bag niya, tulad ng ginawa ni Ril.
Oh... nagpapasikatan ba sila para ipakita kay Riane kung sino ang better?
"You sure?" Pinatay ko ang cellphone ko at tinago sa bulsa ng palda ko.
Hindi pa ako gano'n kaclose sa kanila kaya minsan ay ilang pa rin ako.
"Y-Yeah..." Quentil was actually cute sometimes.
"Natapos niyo na ba 'yong mga books na pinapabasa ko sa inyo?" Tanong ni Riane nang makaupo kami at ilapag ni Quentil ang lahat ng order namin.
"Malapit na ako." Acril silently said as he began eating.
"Half," tipid na sagot ko at kinuha agad ang cake na nasa gitna ng mesa.
"How about you?" She seemed to talk to Quentil.
"Bitch..." And they were fighting again.
"Kamusta 'yong book na pinapabasa ko sa'yo?" She asked again.
"It's a trash." Nakangiwing ani Quentil.
"Seriously?" She said in a tone of threatening him.
"I'm saying the truth, idiot. Ang daming typographical error at wrong grammars. Pati sa mga paggamit niya ng punctuation marks. Ang dami pang plot holes."
Quentil didn't know how to be plastic. Hindi niya ba alam na isa 'yon sa mga kailangan para mabuhay nang matiwasay?
"Ako ng bahala d'yan," I volunteered.
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin.
"R-Really?" He seemed so happy.
"Yeah. Ibigay mo na lang sa'kin 'yong libro mamaya," Aniko.
"P-Pero 'di ba may binabasa ka pa? Gusto mo, ako na lang 'yong magtuloy?"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagiging bitter ng mukha ni Riane.
"I'm fine. Marami akong oras ngayon,"
"I-I see..." What's wrong? Hindi ba siya masaya na tutulungan ko siya? People these days were really weird.
Or it's just because of his feelings? Kahit na hindi niya aminin, alam ko naman. Pero alam ko rin kung para kanino talaga siya dapat.
No'ng mag-uwian, hindi muna ako nakadiretso sa court para sa training dahil ang sabi ni Riane ay pumunta raw muna kami sa club dahil may i-a-announce yata si Ma'am Cavah, ang adviser ng club namin.
"Yo," si Acril ang pinakahuling dumating.
"Hello..." Binati rin siya ni Riane.
"Here."
Hindi naman ako nag-abala na tingnan pa sila. I was busy looking on my phone dahil palapit na naman ang exam namin.
"Yay! Thanks! I love you!"
Pero hindi ko naiwasang iangat ang tingin ko nang marinig 'yon galing kay Riane.
I love you? For Acril?
Palihim kong sinulyapan si Quentil. Hindi maipinta ang mukha niya.
I knew it. Mayro'n talagang something sa tatlo na 'to. Siguro wala pa ngayon pero sa future, siguradong mayro'n.
"H-Hey, what's with that look?" Taka niyang tanong sa amin.
So, she didn't realize what she had said?
"You just said I love you." I replied.
"Well, yeah. What's wrong with that?" Nalilito niya pa ring tanong.
"Why do you say it to him without saying it to me? Unfair, unfair!" Reklamo ni Quentil at pinalo pa ang mesa.
Confirm...
"Yeah. Say it to me, too." Panggagaya ko.
Umawang na lang ang labi niya hanggang sa samaan kami ng tingin isa-isa.
"Birdbrains!" She embarrassedly said as she walked out– na hindi rin natuloy dahil biglang bumukas ang pinto at niluwal si ma'am.
"What's the matter, ma'am?" Riane asked.
"Present na ba lahat?"
"Opo..." She politely replied.
"Alright! We'll have our first sleepover!" Masiglang sabi nito at pinakita sa'min ang mga papel na hawak niya.
Ilang beses akong pumikit at dumilat. Overnight? Kasama sila?
Napaupo na lang ako sa sofa at hinilot ang sintido ko habang paulit-ulit na binabasa ang isang chapter no'ng libro na kinuha ko kay Quentil.
Nasa work na ako ngayon at halos tapos ko na rin naman ang gawain ko. Hinihintay ko na lang na maluto ang ulam na ginawa ko para sa owner at makaalis na rin.
Medyo lutang lang ako dahil kanina ko pa hindi magets 'tong binabasa ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na kasama ako sa overnight na gagawin ng club namin.
Yes, I was a member but I wasn't that close to them. Hindi ko in-expect na makakasama ako sa mga gano'ng activity. Dati pa man, lagi na akong naka-exclude sa mga ganito.
Natapos ang paglulutong ginawa ko. Tulad ng nakasanayan, nag-iwan ako ng letter sa center table at kinuha ang bag ko para isakbit na ngunit bago ko pa 'yon magawa ay narinig ko ang pag-doorbell ng kung sino.
May tao? Bisita ng owner?
Binaba ko muna ulit ang bag ko sa sofa at saka naglakad papunta sa pinto.
"Good evening, ano pong–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa biglaan nitong pagbagsak sa balikat ko. Mabuti na lang at namaintain ko ang balance ko kaya hindi kami bumagsak.
"O-Okay lang po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong.
Umangat ang tingin nito sa'kin kaya nasilayan kong mabuti ang mukha niya.
Wait a second...
It was the guy I met the other day.
I didn't know his name... but why was he here?
"My girlfriend... huh?"
And his breath... it reeked of alcohol.
Is he drunk?
"Let me in,"
"Huh?" Imbis na sagutin ako ay hinawi lang ako nito at naunang pumasok sa'kin. "H-Hey, wait! What are you doing? Hindi rito ang unit mo!" Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.
"This is my unit,"
"What?" My forehead creased. "This is for a f*****g Laxina."
"I'm a Laxina,"
"What?" What the hell was he trying to say? I couldn't get it.
"I'm the owner," isa pang aniya at kasabay no'n ang pagsinok.
"Are you sure that you're not just drunk? Kapag hindi ikaw ang owner, ako ang malalagot nito." Mariin kong sabi at pinanliitan siya ng mata.
"Just shut the f**k up," sa lutong ng pagkakasabi niya ay natahimik na lang ako at hinayaan siya.
Sinundan ko ito at dumiretso siya sa kwarto. He got the keys. Mukhang sa kanya nga ang unit na 'to.
But wait... so, this is Riu? And he's Riane's older brother?
Oh! Kaya pala pamilyar at parang may kamukha!
"Aren't you hungry?" I asked.
"If I am, can I just eat you?" Namumungay ang mga mata nito. Nakaupo siya sa edge ng kama at titig na titig sa'kin. It was almost like he could see my soul.
"You need to sleep." Pinagkrus ko ang braso ko at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Pwede ko ba siyang iwanan ngayon? Mukha pa namang grabe ang pagkalasing niya.
"It's funny, my head's spinning." Hawak niya ang ulo at hiniga ang kalahati ng katawan niya. "Hey, Daphne... was it?"
"Yes?"
"Why are you working for me?"
"Huh?"
"What the f**k?"
"Anong what the f**k?" Hindi ko rin makuha ang sinasabi niya. Kaya ayoko sa mga lasing, e. "Matulog ka na, lasing ka lang."
"Hindi ako lasing,"
'Yan nga 'yong sinasabi ng mga taong sobra na sa alak.
"Lasing ka. Matulog ka na. Uuwi na ako,"
I didn't expect this. Pinangako ko pa man din sa sarili ko na igagalang na ang sunod kong magiging amo. But this was just... I don't know.
"No. You won't. Dito ka lang,"
Humalukipkip ako. Basta lasing talaga, sobrang kulit.
"Uuwi–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa biglaang paghila sa'kin. "What–!" hiniga niya ako sa kama at i-pin-in ang braso ko.
Alcohol's really s**t.
"Listen, sir. You need to sleep–"
"Play with me tonight, Daphne." He said, seriously looking at me.