Chapter 4: Scum

2256 Words
Ilang minuto akong nakatulala sa kanya. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga binitawan niyang salita. Matalino akong tao– sigurado ako roon. Pero bakit parang nabobo yata ako bigla ngayon? "What are you saying, sir?" Sinadya kong i-emphasize ang tawag ko sa kanya para magising siya sa kung ano lang ang mayro'n sa'min. "Come on, 'di mo ba ako–" natigil siya dahil sa pagsinok. Dinilaan nito ang labi niya bago ngumisi. "Just for tonight. I'll take responsibility for this, don't–" I cut him off with a slap. "Shut the f**k up, sir." Hindi ko na napigilang ipakita sa kanya ang pagkairita ko. Huminga ako nang malalim at buong-lakas siyang itinulak. Napaupo na lang siya sa sahig at naiwan naman ako ritong nakaupo sa kama. "Do you even know what you're doing, sir?" Mapagpasensyang aniko. Nasanay na ako rito sa trabaho kaya as much as possible, ayoko na ring umalis. Maganda ang sahod at nasasagot no'n ang mga problema ko sa pang-araw-araw. Hindi rin ganoon kabigat ang work kaya ayos na ayos. Pero ito... this was just too much. I couldn't help but to be irritated at him. Napa-face palm na lang din ako at pilit na kinalma ang sarili ko para hindi makapagbitaw ng mga masasakit na salita. "I know you're drunk so I won't tell anyone about this. Let's just–" "Even if you tell anyone, no one would believe you." Kumunot ang noo ko sa pagpaputol niya sa'kin. Nasa sahig pa rin ito at mukhang walang balak tumayo. Hindi siya nakatingin sa'kin. Diretso ang titig ng mata niya sa sahig at seryoso na ang expression sa mukha niya. Gano'n din ang paggamit niya sa boses kanina. But he had a point... "Yeah, seems so..." Mayaman siya at makapangyarihan ang pamilya. Anong magagawa ko? Kahit na magsumbong ako sa police, wala namang patunay na tinry niya akong harass-in (bukod sa CCTV, pero syempre, pag-aari niya 'yon). "You're desperate for money, right?" Naputol ang katahimikan sa pagitan namin sa pagsasalita niya ulit. Desperate for money? Me? "What are you–" "You are, aren't you?" Sobra na ang kunot ng noo ko ngayon at kaunti na lang ay para na akong puputok na bulkan. Kanina pa ako naiirita sa kanya pero pinapalagpas ko 'yon dahil lasing siya! Ngayon ba, lasing pa rin siya? Gustong-gusto ko na siyang batuhin ng bola! "I am not–" "You can't enter college with just scholarship–" "I can," "Are you sure?" Saktong pagbaling ng tingin niya sa'kin ay ang pagbaba ng confidence ko. Couldn't I just really enter college with scholarship? Of course, kailangan kong magpart-time... pero paano kung masyadong mahirap para sa'kin ang college at bumaba ang grade ko dahil sa pagpapart-time? Kaya ko bang pagsabayin? In the first place... sigurado bang makakakuha ako ng scholarship? "You're not even sure if you can get a scholarship. How would you survive this world, Daphne?" Lito ko siyang tiningnan. Ano bang pinupunto niya? Iniiba niya ba ang usapan para makalimutan ko na kanina lang ay binastos niya ako? "Don't look at me like that." Tumayo ito at inunat ang braso. "Why don't we eat first? May niluto ka, 'di ba?" "Aren't you drunk anymore?" Nalilito kong tanong sa kanya. "I don't know. My head's still spinning a little but I guess, I'm fine." Aniya. Tumayo ako at sinundan siya sa kusina. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang malapit na palang mag-alas otso. "So, you need money, right?" Hindi ko ginalaw ang pagkain na sinerve niya sa'kin. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng mesa. "I will–" "Listen. I have a proposal," "Proposal?" For what? "I'll sponsor you. Ako ang magpapaaral sa'yo. Gamit ang sarili kong pera." Nagsalin siya ng wine sa isang baso at sinulyapan ako. "Sa kapalit..." "Anong kapalit?" Seryosong tanong ko. "Be mine. Akin ka lang. Lahat ng nasa'yo ay akin lang. Including your body, of course–" "I refuse," "Huh?" "You seem not to get it. I refuse. I won't accept your offer," madiin kong sabi. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya pero... "Anong tingin mo sa'kin? Mabibili ng pera mo? Porket mayaman ka at halos perpekto na sa buhay, tingin mo, pag-aari mo na lahat? What a great scum– I don't even know what's the right word to describe your foolishness. " Umiling ako at pinagkrus ang braso ko. "Sorry, but you won't get me. Ever." Matalim ko siyang tiningnan. "Oh..." Inaasahan ko na maiinis ito pero mukhang wala lang sa kanya 'yon. Ang laki pa ng ngisi niya. Nakakainis. Gusto ko siyang hampasin ng dos por dos ngayon din. "You're interesting," nakangising aniya at marahang pumalakpak. "Are you making fun of me?" Nanliit ang mata ko. "No. But you're hilarious in your own way. I'd like to get you as my toy as soon as possible." Pinatong niya ang siko sa mesa at pinagsalikop ang dalawang kamay. "So tell me, what should I do or give to buy you, Daphne?" What... the f**k?! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo-halo. Gusto ko na lang siyang sakalin pero hindi pwede 'yon. Sobrang... na-degrade ang pagkatao ko ngayon. Like... was he even real? May ganito ba talagang tao? At wait... he was really Riane's brother?! "Give me your price. I'll pay you right away... I mean, you're not that expensive to be my toy, right?" His smirks were way too annoying! I just couldn't– s**t! "You shitty... stupid..." "Oh? Are you mumbling something? Out of words? Can't even compete with–" "Shut up, bastard." Kinuyom ko ang kamao ko at yumuko. Damn, damn, damn. "What? Are you that irritated that your brain can't keep up with me?" Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Dito na tuluyang naubos ang pasensya ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya at hindi pinansin ang mga pagkaing nakahelera sa harap niya. Hinila ko ang collar ng damit nito at niyukom ang kamao ko. Naalis ang ngisi nito, mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa, inipon ko ang lahat ng lakas ko at sinuntok ang kaliwang pisngi niya. Halos bumaon ang kamao ko roon. Hindi siya nakapagsalita at nai-stuck na yata ang tingin sa gilid. Binitawan ko siya, dahilan para bumagsak sa kinauupuan niya kanina. "Learn when to shut up, idiot. Not all people have long patience to listen to your unnecessary talking. And what are you saying again? My brain can't keep up with you? You're wrong, stupid. My brain can't just process what the hell you're saying because it's too dumb and only idiots could understand it." Tumalikod ako at napahilamos sa mukha. He was really frustrating the s**t out of me. Mabuti na lahat at nailabas ko na ang kanina ko pa kinikimkim na sama ng loob. "I'm leaving. And not going back again. Once I am able to graduate in college, I'll be rich as hell and will pay you back for this. Wait for that, you scum." Lahat na lang talaga ng mayayaman... pare-parehas. Mga feeling superior na akala mo naman ay kapantay na ng Diyos. Ang sarap sampalin ng utak nila, sa totoo lang. Pinakawalan ko ang isang mahabang paghinga at kinuha ang bag ko sa sofa. Palabas na ako ng unit niya pero napatigil ako sa pagtawag niya sa'kin. "That's the last you will call my name. It's making me p**e," "No. That won't be the last time," "That would be–" "You'll come back for sure," "Huh?!" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. "I didn't know na may mas itatanga ka pa!" Pinagkrus niya ang braso at seryoso lang ang tingin sa'kin. "You'll see." What's with his confidence?! Hindi na ako nagsalita at lumabas na ng unit niya. Padabog ko ring isinara ang pinto at no'ng makalabas ay napamura na lang nang malutong. That was the most annoying words I had ever heard. Hindi ako makapaniwalang kapatid siya ni Riane. Sobrang sama ng ugali niya! Ang sarap niyang pabagsakin! Lumipas ang isang araw at naging busy ako sa pagte-training. Dahil wala ng trabaho, nakakahawak na ulit ako ng bola hanggang gabi. Dito ko na lang ibinubuhos ang galit na ilang araw ko na ring nararamdaman. "Hoy, Daphne! Gan'yan mo ba talaga ako kiniinisan, ha?!" Nabalik na lang ako sa wisyo ko sa pagbatok sa'kin ni Pauleen. "What the hell?" That was kinda hard. Hindi niya ba alam na nakakasakit siya? "Anong what the hell? Ikaw sana ang mapunta sa hell! Kung makapalo ka ng bola, para kang may intention na pumatay, ha? At sa direction ko pa talaga pinapunta!" Galit na galit ang tono nito pero wala naman akong pakialam. Gano'n ba talaga ang ginawa ko? Hindi ko napansin. Akala ko, normal lang ang mga palo ko. "Sorry," I said. Natigil siya sa panenermon at natulala sa'kin. What's wrong with her, really? "Ikaw ba talaga si Daphne?" Hinawakan nito ang dalawa kong balikat at niyugyog. "Daphne! Nasaan ka na, Daphne?! Okay ka lang ba?!" Hinawi ko ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay. "What are you doing?" Naiiritang tanong ko. Ngayon naman ay nawala ang pag-aalala sa mata niya at napalitan ng sparks. "Si Daphne ka nga!" Akmang yayakapin niya pa lang ako pero umiwas na ako. Wait... masaya ba siya na nairita ako? People these days were really weird. "Uh, Pauleen." Tawag ko sa kanya nang matapos sa stretching. "Mauuna na ako. May kailangan pa kasi akong gawin." Paalam ko. "Oh, okay! Work ba kay Sir Riu?" Umawang ang labi ko. Right... hindi niya pa nga pala alam. "Y-Yeah..." I lied. Iiwasan ko muna siguro ngayon na sabihin na umalis na ako. Bukod sa tinatamad akong magpaliwanag, ayoko ring banggitin sa kanya ang nangyari no'ng araw na 'yon dahil alam kong nirerespeto niya ang mga Laxina... or no. Natatakot akong sabihin sa kanya. Hindi ko kaibigan si Pauleen pero malapit siya sa'kin. Even if you tell anyone, no one would believe you. Paano kung hindi siya sa'kin maniwala? Paano kung pagtawanan niya lang ako at sabihang ilusyunada? Ayoko mangyari 'yon. Ayokong sumama ang tingin ko sa kanya. "Okay! Good luck sa–!" Napakamot siya sa ulo at mahinang tumawa. "Hindi nga pala pwedeng ilakas, hehe. Good luck sa work mo, Daphne." Bulong niya at tinapik ang likod ko. She was really supportive when it comes to this. Ayokong mawala 'yong ganitong pagsasama namin. After kong makaalis ng school ay nag-ikot-ikot ako sa kabilang bayan para maghanap ng bagong work pero wala akong nakita. Puno na ang bawat shop ng mga staffs. Saan ako nito ngayon papasok? I couldn't slack off. Marami akong kailangang bayaran. Ayoko namang huminga ng tulong sa tita ko. What should I do? Inabot ako ng gabi pero wala akong natagpuan. Pagod akong umuwi sa apartment at nakatulog nang hindi kumakain. Kinabukasan, nagulat na lang ako nang bumungad sa'min ang teacher namin na may dalang mga test paper. Nakalimutan kong may short test kami ngayon. Stock knowledge lang ang nagamit ko pero nakakuha pa rin naman ako ng mataas na score. Hindi pa rin talaga ako nakaka-get over sa nangyari sa'min ng Riu na 'yon. Pati tuloy studies ko ay nakakalimutan ko na. Kainis. Pinatalbog-talbog ko ang bola sa sahig ng court at bumuntong-hininga. Napamaang na lang ako nang maramdaman ang papalapit na presence ng kung sino. No'ng inangat ko ang tingin ay nakita ko sina Quentil. "Hi there." Pagbati ko sa kanila at ini-spike ang bola papunta sa gawi ni Riane. Hindi siya nakagalaw pero naiharang naman ni Acril ang kamay niya para hindi siya tamaan. I knew that he'd do that. They were his princes, after all. "Tss..." Buong lakas ni Acril na binalik sa'kin ang bola. "Don't just throw that thing to Riane." Pinatunog nito ang mga buto sa daliri ng kamay niya at inunat ang leeg. Sinalo ko ang binato niyang bola gamit ang kanang kamay ko. That was a good throw. "Hey! You said it yourself but you still throw that to Daphne with all your strength!" Quentil yelled. "She's a volleyball player. She can manage." Pangangatwiran ni Acril. "But still!" Angal ni Quentil. "That's my way of greeting. Sorry, okay?" Singit ko at matamis na ngumiti sa kanila. These past few days, napansin ko ring nababaling ang inis ko kay Riane. Maybe, because they were siblings? Magkamukha pa. "Way of greeting my ass..." Bulong ni Ril ngunit rinig ko pa rin. "Calm down. It's fine." Pag-aamo rito ni Riane. "So, where's ma'am?" Tanong ko. "Hindi siya makakasama sa ngayon dahil may urgent meeting pero iniwan niya na 'yong mga gagawin natin." Pinakita niya ang isang mahabang papel na may sulat ni ma'am.  Nagsimula siyang ipaliwanag kung anong gagawin, kasama na ang contest namin sa pagbili ng mga kakailanganin sa super market. Hindi na naman ito bago sa'kin dahil halos linggo-linggo ay naggo-grocery ako. Pero kaya ba 'to ng mga anak mayaman na 'yon? Well, hindi naman ako siguro dapat mag-worry. I should play well. Gusto ko rin silang mas makilala pa. Tinuon ko na lang ang pansin dito sa papel na binigay sa'min ni Riane. Yumuko ako nang kaunti para kuhanin ang sausage na nakalagay rito nang may maunang kumuha no'n. Dahil sa curiosity ay automatic ang paglingon ko sa taong naunang kumuha sa'kin. Nanliit na lang ang mata ko at nagsimulang kumulo ang dugo nang masilayan ang nakakasira ng araw niyang mukha. His lips parted but it immediately turned to smirk. "I knew it. We'd see each other again. Looks like you're really meant to be my toy, Daphne." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD