"Why aren't you talking?" He slightly tilted his head. "You missed me or what?" He was right... it's been a while. Naiyukom ko ang kamao at pasimpleng huminga nang malalim. "Hi," mahinang bati ko sa kanya at tiningnan ito sa mata... pero hindi ako nakatagal. Ako ang naunang umiwas. "Oh, what's up?" Pagpapatuloy niya. Balak niya ba akong kausapin? Nilayo ko ang tingin sa kanya. "I want to rest." "Ah..." Guni-guni ko lang ba o tila na-disappoint ang boses niya? "Okay, I understand. Rest well," his voice suddenly became gentle. "Yup," hindi ko na siya nilingon pa at nagdire-diretso na sa kwarto. Nang makapasok ay mabilis ko itong ni-lock at patakbong humiga sa kama. Hinila ko ang kumot at tinakip sa mukha ko. Anong itsura ko ngayon? Haggard ba ako? Mukha ba akong dugyot ka

