This is bad. Definitely. Nasagot na ang tanong ko no'ng nakaraan. After no'ng sinabi niyang see you tomorrow, nagtuloy-tuloy nga ang pagbisita niya sa'kin. Nitong isang buong nakaraang buwan, walang lumipas na araw na hindi siya pupunta sa'min at magpaparamdam. Pakiramdam ko nga ay napapagalitan na siya ng parents niya dahil baka wala siya lagi sa office niya. Though, kadalasan naman ay hindi siya nagtatagal. Mga 20 to 30 minutes lang din at aalis na rin. Nakikipaglaro lang siya kay Thalie habang kumakain sila ng meryenda na binila niya. Minsan, sumasama ako pero minsan, pinipili ko na lang na mag-stay sa kwarto. Alam ko kasi na kung lagi akong sasama sa kanila, mapapasama lang ako. Actually, ngayon pa lang, alam kong masama na ang lagay ko. Dapat ko na siyang iwasan. Pero hindi ko

