Nagkaro'n ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Nangangapa pa ako ng maaaring sabihin sa kanya. Syempre, nagulat ako. Sa totoo lang, kahit sino ay magugulat sa gano'ng desisyon niya. Bago ako umalis no'n, napag-usapan na namin 'to nang malinaw. Pareho naman kaming pumayag sa desisyon ng isa't-isa at nagkasundo na sa part na sa kanya mapupunta si Thalie– dahil 'yon naman talaga ang dapat, base sa kontrata. Kaya ngayon... hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niya. Nakakagulat dahil alam kong gusto niya talaga si Thalie. Bago ko pa man isilang ang bata, kahit na may times na marami siyang naging kulang sa'min, ramdam ko na mahal niya 'yong anak namin. "Riu..." Tumaas ang kilay ko. "Naaawa ka ba sa'kin kaya mo 'to sinasabi?" "Huh? Of course, no..." Mabilis na tugon niya

