"Ma'am Daphne, manggugulo lang po..." Lumipat ang tingin ko kay Aiza mula sa mga papel na chine-check-an ko. Tipid akong ngumiti nang makita ang malaking ngiti sa labi niya. "Good afternoon." "Ang polite niyo po talaga magsalita..." Kumakamot sa batok na wika niya at mahinhing natawa. "Are you fine with that?" I asked as I pointed out her black facemask. Nahinto siya sa pagtawa at umiwas ng tingin. "Oo naman po." She said that I was polite but she was more. Kahit na sinabi ko rati na 'wag na siyang mag-po ay nagpatuloy pa rin siya sa paggamit no'n. Isa pa, maamo ng boses niya at talagang rinig mong nando'n 'yong paggalang. "You can remove that. Wala na namang ibang teachers kundi tayo," nakangiting sabi ko at nilibot ang paningin para makasigurado. "'Di ba?" "H-Hindi po ba kayo

