"Thank you, Quentil. Pakisabi na lang din sa kanya na salamat." Nakangiting sabi ko at saglit na bumaba ang tingin sa sobre na inabot sa'kin ni Quentil. "No worries, Daphne. Sabihin ko na lang din kay kuya," nakangiting sabi niya. Tumango ako. "Yup." "Tapos pala..." Lumagpas ang tingin niya sa'kin, sa gawi kung nasaan si Thalie siya nakatingin ngayon. "Ano 'yon?" "Gusto raw makita ni kuya si Thalie," mahinang aniya at sumulyap sa'kin. Umawang ang labi ko at hindi agad nakasagot. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagbuntong-hininga at tumungo na lang saka dahan-dahang tunango. "Okay." Maikling sagot ko. "Okay 'yong sasabihin ko na sinabi mo?" I nodded. "Yes." "Noted. Pero... ikaw ba? Gusto mo ba talaga? O napipilitan ka lang?" Nang magsalubong ang mata namin ay kita ko ang pag-aala

