"Yo, Daphne." Halos tumalon ang puso ko nang magsalita siya sa tabi ko. Hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa'kin. Masyado akong lutang ngayon. "Yo, Quentil." I smiled a little. "Congrats." Pagbati ko rito at nilahad ang kamay ko. Ngayon ang graduation namin. Ito na ang last day na makikita ko sila. After nito, bakasyon na at paghahanda sa college. Though, I guess, may times na magkikita pa rin kami ni Quentil. After all, he was courting me. "Thanks. And congrats as well." Tinanggap niya ang kamay ko at shinake iyon. "Nasaan ang parents mo? Baka iniwan mo sila sa kung saan," nag-aalang sabi ko. "Marami pa namang tao ngayon." "Okay lang 'yon. Sanay na sanay naman sina mom na makihalubilo sa mga mataong lugar," parang walang pakialam niya sabi at saka sumandal sa upuan. "Ikaw

