"Daphne, I finally found you." Nanlilisik ang tingin niya sa'kin at halatang aabutin ako ng ilang oras na sermon. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Pasimple kong itinuon ang mata ko kay Acril para manghingi ng tulong pero ang tanga, iniwasan pa ako ng tingin. Talaga nga naman! Ano nang nangyari sa pagiging buddy-buddy namin? "Daphne, where have you been? Why did you go out? I thought I told you to don't come out, right? So, what are you doing here?" Tuloy-tuloy ang pagtatanong niya sa'kin. Bawat tanong niya ay mahahalata mong galit siya dahil sa diin ng pagkakasalita niya. What should I do? Kailangan kong malagpasan ang sitwasyon na 'to. Pero paano? Isa 'to sa mga inaalala ko. Well, ang ine-expect ko ay baka bigla siyang umuwi s

