"Yeah, it's fine... I understand. Hindi talaga maiiwasan minsan 'yong pagkalutang lalo na kapag pagod sa work... ha-ha-ha..." Hindi ko alam kung nagmukha ba akong tanga dahil sa pagkakatawa ko sa huli. Gusto kong malinaw sa kanya na wala naman siyang dapat ikabahala dahil tinanggal ko na rin sa isip ko ang bagay na sinabi niya– or well, nandito pa rin pero pilit kong 'di inaalala. "There's really a lot of work I'm doing right now so my mind's a little mess," seryosong sabi niya at pinatong ang siko sa mesa. Pumangalumbaba ito at tumingin sa'kin. "By the way, hindi ka ba naiinip dito sa unit?" Katatapos lang namin kumain at ayon sa nangyayari ngayon, mukhang na-clear na ang awkward na pangyayari kanina. Where's my kiss... huh? No, no. Don't think about it, myself. Palihim kong i

