Tumigil siya sa paghalik sa'kin nang tuluyan kong tinaas ang kanang kamay ko at sinampal siya nang malakas sa pisngi. Kung hindi siya napatigil no'n ay ewan ko na lang. Namumula ang pisngi niya nang lumayo sa'kin at nakakunot ang noo. He didn't expect that I would do that. Of course, wala nga namang normal na babae ang makakasampal sa sobrang agresibo niya... pero hindi ako normal. "Why did you do that?" Ito ang unang lumabas sa bibig ko. Mariin ang hawak ko sa laylayan ng damit ko at ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay sobrang pagkainis sa kanya. Akala ko pa man din ay nagbago na siya. After kong makita 'yong kakaiba niyang side kanina, akala ko ay ibang Riu na siya at sanay nang rumespeto kahit papaano pero mukhang mali ako. Siya pa rin 'yong dating Riu. Walang nagbago kah

