Mabilis lang na lumipas ang oras. Sa isang iglap ay magsisimula na ulit ang panibagong school year. No'ng nakaraan lang ay nag-exam ako sa school na papasukan ko at gladly, nakapasok ako dahil kay Riu. Of course, wala siyang ginamit na masamang technique katulad ng pagbibigay ng pera para lang makapasa ako, kundi siya 'yong naging personal tutor ko para sa exam. Nakakabilib lang na ang talino niya talaga. Education ang kinuha kong course at Science ang kinuha kong major. Ang dami niyang natulong sa'kin at talagang gumawa siya ng isang notebook kung saan nando'n lahat ng ime-memorize ko. "Daphne, I'm home..." Umawang ang labi ko nang marinig ang boses niya. Pinatay ko ang kalan dahil saktong luto na ang isang piniprito ko. Binuksan ko ang gripo para maghugas ng kamay at saka pinun

