DINALA ni Jem si Sunday Blue sa “vacation house” niya sa Pangasinan. Ang dating kubo pa rin ang nakatirik sa bagong acquire na lupain. Wala pa siyang gaanong ginagalaw at ipinapabago. Nananatiling plano pa lamang ang totoong vacation house. Ayaw kasi ni Jem na simulan ang pagpapagawa habang abala pa siya sa ilang bagay. He wanted the vacation house to be what he had wanted. He wanted it to be perfect. “So what do you think?” tanong ni Jem, puno ng pananabik at pagmamalaki ang tinig. Pinagmasdan ni Sunday Blue ang kubo, hindi malaman ang magiging reaksiyon. Hindi niya tinanong ang detalye ng “mini-vacation” na iyon. She trusted Jem when he said he knew a perfect place. Gawa sa kawayan at pawid ang kubo. Mukha namang matibay ngunit mukhang masyadong sinauna. The hut had charm and beauty, I

