“BLUE, YOU know I adore you. I’d do anything for you. Pero hindi mo na mababago ang isipan ko tungkol sa naging desisyon ko sa relasyon namin ni Jem.” Bahagya akong sumaya nang malaman kong kakausapin ni Sunday Blue si Michaela sa araw na iyon. Binanggit niya kay Bea habang nag-aalmusal si Tilly kaya nalaman ko ang tungkol doon. Jem was back in Pangasinan. Hindi niya alam ang plano ni Sunday Blue. I don’t know if she can convince Michaela of anything but I had hoped so. Malungkot si Jem. Ipinatigil niya ang construction ng vacation house dahil nais niyang mapag-isa. Iniwan niya si Snow kina Ninong Augusto at Ninang Angela at hindi isinama sa Pangasinan. “Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo, Mic. Hindi ko--” Umiling-iling si Michaela bago pa man matapos ni Sunday Blue ang kanyang si

