TAHIMIK NA inihatid ni Andres si Sunday Blue. He didn’t just drop her home, he walked her through her door to make sure she was fine. My brother was a gentleman through and through. Malungkot na ngiti ang pinagsaluhan nila bago naghiwalay nang gabing iyon. I stayed with my brother. Nais kong siguruhin na magiging maayos siya. Hindi siya umuwi nang gabing iyon. Nasa North Luzon Expressway na siya nang mabatid ko kung saan siya patungo. Pupuntahan niya si Jem. Nakatira pa rin si Jem sa lumang kubo. Tapos na ang mga pundasyon ng vacation house. Hindi pa rin pinapapasok ni Jem ang kanyang mga trabahador. He was doing some manual work. I’m not sure what was he hoping to accomplish but he seemed content working. Alam ko rin na hindi magtatagal ay manunumbalik na ang operasyon. Madaling araw na

