“MAY MAGAGAWA ka ba para sa kanya?” tanong ko kay Alex habang nakatingin kay Jem. Hindi ko na siya makilala. Parang tinutusok-tusok ang puso ko ng libong karayom habang nakatingin sa aking pinakamamahal. Nasa isang bar kami. Parang walang plano si Alex na lubayan si Sunday Blue kaya nanatili kami sa tabi niya maghapon. Pinanood namin ang kanyang pagtulog, paggising, at paghahanda para sa trabaho ngayong gabi. She worked as a bartender in a bar. Honestly, I don’t like her working in that bar. Iyon ang huling lugar na gusto kong makita si Jem. Maaga pa kung tutuusin ngunit mukhang lasing na lasing na siya. Nakita kong nakita siya ni Sunday Blue. Hindi siya lumapit. Napailing-iling lang at hinayaan na si Jem. Nahiling ko na sana ay lumapit si Sunday Blue at pagsabihan si Jem. Pero kilala k

