7

2015 Words
“ANO ANG ginagawa natin dito?” nagtataka kong tanong nang aking mabatid kung nasaan kami. “Ayaw mo?”tugon ni Alex. Ang akala ko ay oobserbahan ko uli ang ilang guardian ngayong araw. Natutuwa na akong makita ang mga bata. They were so cute and so adorable. “Hindi naman. Gusto kong makita si Sunday at alamin ang kalagayan niya, pero alam mo naman na binabawasan ko kahit na paano ang contact with my loved-ones.” Naisip ko kasi na mas makabubuti sa akin. Hindi ako pinagbawalan ni Alex pero gusto ko sanang ituon muna ang atensiyon ko sa mga bagong responsibilidad na nakaatang sa akin. Naisip kong mas magiging madali kung hindi ko sila madalas na makikita. Kasalukuyan kaming nasa apartment ni Sunday Blue. Minsan pa lang akong nakapasok doon. Sunday Blue’s place was a complete mess. Puno ng hugasin ang lababo. Hindi nawawalisan ang sahig. Nagkalat ang kung ano-ano sa paligid. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at natagpuan kong nakahilata sa kama ang aking matalik na kaibigan. Himbing na himbing siyang natutulog. She didn’t even remove her makeup.  Nakangiting naupo ako sa gilid ng kama at banayad kong hinaplos ang ulo ni Sunday Blue. I hoped she had a good dream. Waring nagkaroon ng katuparan ang hiling ko dahil unti-unting gumuhit ang isang magandang ngiti ang kanyang mga labi. Sunday Blue was so pretty. Everything about her—from the tip of her blue hair to the tip of her black-painted toe—was exquisite. Naupo si Alex sa isang upuan na nasa gilid. “Tell me how you met her.” “I’m sure naman na alam mo kung paano kami nagkakilala.” Kaswal na nagkibit-balikat si Alex. “Gusto ko lang may mapag-usapan. She’s sleeping.” Ibinalik ko ang aking paningin kay Sunday Blue na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Patuloy kong hinaplos ang kanyang ulo upang mas tumagal ang magandang panaginip. “It was my first day in the university. First day of being a college student. Hindi ko malaman kung paano pa ako naligaw sa unang classroom ko. Sigurado ako na kabisado ko na ang pupuntahan ko. Pero lumusot ako sa maling pintuan, nakarating sa kabilang building. Pumasok ako sa loob ng isang classroom. It was a chemistry laboratory. Isang babaeng may kulay asul na buhok ang nakaupo sa tabi ng nakabukas na bintana. She’s smoking.” Lumapad din ang ngiti sa aking mga labi. My first meeting with Sunday Blue had always been a good memory. “I never liked girls who smoked. Pero that one time, I found Sunday Blue so beautiful. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, basta I was so fascinated with her. I love her blue hair, her dark eye shadow, her nude lipstick, her pale face. I like her all-black outfit. She was—is astig.”Hinaplos ng libreng kamay ko ang kwintas na iniwan sa akin ni Sunday Blue. “Maling classroom ang napasok mo,”ang sabi sa akin ng babaeng asul ang buhok. Titig na titig ako sa kanya. “Uhm, yeah...” sabi ko kapagkuwan. Nakatingin siya sa akin, bahagyang nagsasalubong ang mga kilay. Umatras ako at lalabas na sana ng silid ngunit nagbago ang aking isipin. “Puwedeng magpatulong na hanapin ang classroom ko? I think I’m already late. It’s room...” Inilabas ko ang registration form ko sa bulsa ng aking bag pack at sinabi sa kanya ang tamang building at room number. Tuluyan nang nagsalubong ang mga kilay ng babaeng asul. Tila bahagya pang nabaghan ang dalaga sa aking inasal. “Seriously?” tanong niya, waring hindi gaanong makapaniwala ang tinig. Tumango ako. “Y-yeah. Seriously.” “Piss off.” Ilang sandali akong nagulat, hindi inasahan ang narinig mula sa kanya. No one talked to me that way. Ever. Kakatwa na hindi ako na-offend. It was... refreshing. Napangiti ako nang malapad at matamis. “Kung hindi mo ako tutulungan sa paghahanap ng classroom ko, isusumbong kita.” Tumaas ang isa niyang kilay ngunit bahagyang nangislap ang mga mata. Waring hindi niya mapagdesisyunan kung maaaliw o maiinis sa akin. Maybe, it had been refreshing for her also. Siguro ay karamihan sa mga katulad ko ay nasisindak at nangingilag sa kanya sa unang tingin, hindi napa-fascinate. “Isusumbong talaga kita na naninigarilyo ka rito. Jem practically instilled all the rules of this university in me. Strictly no smoking in all areas of the university. Hindi ko lang maalala ang kaparusahan. Detention? No. That’s so high school. Oh! I remember. Community service. Paglilinisin ka nila sa buong campus.” Hindi natigatig ang astig na dalaga. Inipit niya ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi at humitit bago muling nagsalita. “It’s your words against mine.” Kaagad kong inilabas ang camera sa aking bag at kinunan ko siya nang larawan. “Not anymore.” Sadya kong dinala ang camera para mai-document ang unang araw ko sa kolehiyo. Nanalim ang kanyang mga mata. Bumaba siya sa kinauupuan at sinunggaban ako. Good thing I was fast. Mabilis akong nakatakbo palayo. Habang tumatakbo ay isinisigaw ko ang room number ng aking unang klase. “Fine! Ituturo ko na sa `yo!” pasigaw niyang sabi. Binagalan ko ang takbo pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa camera. Nginitian ko siya nang matamis. Pinukol niya ako ng matalim na tingin na nagpahagikgik sa akin. “Pasalamat ka unang araw ng pasukan,” ang sabi niya sa akin bago kami lumiko sa isang hallway. “Pasalamat ka ayoko pang maparusahan ng ganito kaaga.” “Madalas kang maparusahan, ano? You should stop smoking. Cigarette smoke will kill you.” “Shut up.” “I’m Mattie, BTW. You are...?” Hindi niya ako sinagot. Hindi ako sumuko. “I just wanna know your name. Hindi naman siguro big deal, `di ba?” “Just shut the hell up.” Nanahimik na muna ako. Ayoko rin naman kasing tuluyan siyang mainis sa akin. I wanted her to be my friend and we will be friends. I could feel it. I could already feel the connection. “That’s your classroom,” sabi niya sabay turo sa isang pinto. Tama ang numero na nakapaskil. “Akina ang camera.” “Sunday Blue Claveria!” Ibibigay ko na sana ang camera nang marinig ko ang tinig na iyon. Parang sa lasing. Nilingon ko ang pinanggalingan at nakita ang isang matanda. Hindi naman siya mukhang lasing. He was wearing a respectable green dress shirt at khaki slacks. He was a professor. Binuksan niya ang pinto ng silid. “You’re in my class. Again.” Tumingin siya sa akin. “Algebra?” Tumango ako. “So what are you still standing here for? Get in then we’ll start.” Pumasok na siya sa loob ng silid pagkasabi niyon. “Buwisit,” ang marahas na bulong ng dalagang may asul na buhok. Hindi ko napigilan ang mapangiti habang papasok sa loob ng classroom. “Kaklase kita?” Hindi siya sumagot pero matalim ang tingin na ibinigay niya sa akin. She looked like she was ready to strangle me. Wala nang mga bakanteng upuan kundi sa harapan kaya wala na kaming choice. Tinabihan ko siya ng upo. “It’s nice to meet you, Sunday Blue,” sabi ko habang isinusulat ng professor ang kanyang pangalan sa whiteboard. Hindi pa rin niya ako sinagot. “Sunday was a second year irregular when we met,” pagpapatuloy ko sa pagkukuwento kay Alex. “May mga subject siyang kailangang balikan at magkaklase kami sa dalawa. She’s very nice.” Luminaw sa aking balintanaw ang matalim na tinging ipinukol sa akin ni Sunday Blue noon. “She’s very friendly.” Naalala ko ang marahas niyang pagbangga sa akin habang palabas kami ng classroom pagkatapos ng Algebra. “I can tell na she liked me kaagad kasi she confided in me.” Alam kong naaalibadbaran na sa akin si Sunday ngunit hindi ko siya malubayan. Ayoko siyang lubayan. She was going to be my friend whether she liked me or not. “Bakit Sunday Blue ang pangalan mo?” pabulong kong tanong. Nakaupo kaming dalawa sa likurang bahagi ng classroom sa pagkakataon na iyon. Dahil unang araw ng klase, ang ginagawa lang namin ay “introduce ourselves.” I was really interested in knowing Sunday Blue. “Puwede bang lubayan mo na ako?” ang tugon niya sa akin. “Nakakairita ka na sa totoo lang.” “Gusto ko lang namang malaman kung bakit ka pinangalanang Sunday Blue.” “Bakit hindi na lang ang lalaking iyon ang kulitin mo? Alamin mo kung bakit Allen ang ibinigay sa kanyang pangalan. Obvious na obvious naman na crush mo siya.” Tumingin ako sa gawi ng binatilyong tinutukoy ni Sunday Blue. Halos awtomatiko ang pagguhit ng matamis at kinikilig na ngiti sa aking mga labi. Nagulat ako nang malaman na magkaklase kami. I wished for it. I prayed for it. Nakakagulat pa ring pinagbigyan ako sa hiling ko, gayunpaman. “We’re destined to be together. Hindi ko kailangang magmadali sa pagkilala sa kanya,” ang sabi kay Sunday Blue na nalukot ang buong mukha. She looked so disgusted. Nakakaaliw na hindi nakabawas sa kanyang ganda ang ekspresyon na ganoon. I was excited to see Jem to tell him about Allen and Sunday Blue. “Bakit ka pinangalanang Sunday Blue?” pangungulit ko uli nang hindi na magsalita si Sunday Blue. I wanted to know everything about her. “Hindi mo talaga ako titigilan hanggang sa hindi ako magsalita, ano?” Nakangiti akong tumango-tango. Nagpakawala muna siya ng marahas na buntong-hininga bago muling nagsalita. “Ipinanganak ako sa araw ng Linggo.” “Ako rin! Bakit Blue? Hindi ka naman ipinanganak na may asul na buhok, hindi ba?” “My mother was depressed.” “Why?” “My father left her.” “Oh. That’s just sad, Sunday.” I couldn’t pretend I knew what she had gone through. Hindi ko alam ang buhay ng iba. Marami ang nagsasabi na mayroon akong perpektong buhay, perpektong pamilya.  “Blue. My name’s Blue. Call me Blue.” “Nope. I’m calling you ‘Sunday.’ Mas unique at mas may dating.” “Just shut up.” “Besides, everything special happens on Sundays. You are special, Sunday.” “f**k off.” Ilang sandali na hindi ko malaman ang itutugon sa sinabi niya. Lumaki ako sa environment na ipinagbabawal ang mga ganoong salita. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako naaaliw at napapangiti. “Okay,” ang sabi ko na lamang. I was certain. We are going to be good friends. Habang pinapanood ko ang mahimbing na pagtulog ni Sunday Blue, isang bagay ang aking nabatid. Nilingon ko si Alex na nakangiti at mukhang naaaliw din. “Ikaw ang nagligaw sa akin. Ikaw ang gumabay sa akin patungo sa kanya,” ang sabi ko.  Tumango si Alex. “Kailangan ninyo ang isa’t isa.” “Pati si Andres. Ginabayan mo `ko patungo sa tulugan niya.” “Kailangan ninyo ang isa’t isa,” ang tugon niya uli. “Thank you. You are the best guardian ever.” Hindi ko maimahe kung gaano siya nahirapan sa akin. Kapag binabalikan ko ang mga pinagdaanan ko noong nabubuhay pa ako, iniisip ko kung paano ako natagalan ni Alex. I guessed he didn’t really had a choice. He was stuck with me. Nakakamangha lang kung paano niya ako nailihis sa kapamahakan, kung paano niya ako ginabayan sa mga tamang tao na mamahalin at pagmamalasakitan. Hindi ko sigurado kung kaya kong gawin ang mga ginawa niya. “You will also be one of the best guardians,” ang sabi ni Alex sa akin, puno ng sinseridad at kumpiyansa ang mga mata. Nakikita ko na ganap niyang pinaniniwalaan ang kanyang sinabi. “What did you get in return?” Hindi siya nagkunwari na hindi naiintindihan ang aking tanong. He had been with me from the very beginning. Alam na alam ni Alex kung ano ang tumatakbo sa aking isipan. “Love is a powerful motivator, Mattie.” Hindi ako magkukunwari na naintindihan ko.  “Ganap mo ring maiintindihan pagdating ng panahon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD