PAGKATAPOS ng libing ay umuwi ako sa amin. Masyadong tahimik sa bahay namin, masyadong gloomy ang atmosphere. Nakakapanibago dahil hindi ko maalala na naging ganoon katahimik dati ang bahay na iyon. Kapag nasa bahay ako, palaging masaya. Palaging maingay. Palaging humahalimuyak ang kusina dahil palagi na lang nagluluto si Mommy.
Nagkulong si Daddy sa office niya dala ang isang bote ng whiskey at baso. Nagkulong naman si Mommy sa kuwarto nila. She was curled up in bed, crying miserably. I can’t stand watching them. Parang unti-unti pinipilas sa maliliit na piraso ang aking puso. It hurt to watch and not be able to do anything.
Pinuntahan ko na lang si Andres. Nasa kuwarto ko siya, nakatitig sa aming family portrait na nakasabit sa pader.
“Ikaw na ang bahala kina Mommy at Daddy,” sabi ko kay Andres habang nauupo sa tabi niya sa aking kama. Ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat at sinamahan siya sa pagtitig sa portrait. We were a beautiful family.
“I feel so lost, Mattie. Hindi ko alam ang gagawin ko,” bulong ni Andres, may garalgal sa tinig. “We have no idea how to live a life without you.”
“Naiintindihan ko dahil wala rin akong ideya kung paano magpapatuloy na wala kayo.”
Hinayaan na ni Andres na dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. Tinapik-tapik ko ang kanyang likuran kahit na alam kong hindi niya ako mararamdaman, kahit na walang comfort na maidudulot iyon sa aking kapatid. Kahit na paano ay may comfort na naihahatid sa akin ang ginagawa ko.
“May sinabi sa akin ang guardian angel ko na palagi kong isinasaisip para lang makapagpatuloy ako,” sabi ko sa munting tinig. “It gets better. It will get better. Gusto kong paniwalaan iyon kahit na pakiramdam ko ay hindi na magiging better ang lahat. Ever. Kahit ano’ng isip kasi ang gawin ko, hindi ko malaman kung papaano iyon mangyayari na hindi ko kayo kasama. Natatakot ako. Naiinis. Nagagalit. Nalulungkot. But someday, things will get better. Masasanay din kayo na wala ako. Magiging masaya pa rin naman kayo kahit na wala na ako. Magpapatuloy ang magandang buhay para sa inyo. Ganoon din ang mangyayari sa akin. Magiging masaya rin siguro ako sa bagong buhay na ito. So okay lang kahit na umiyak ka ngayon. You’ll feel much better tomorrow.” Patuloy kong hinagod ang likuran ng aking kapatid hanggang sa kumalma siya.
Mas nagpapasalamat ako sa naging desisyon ko noon na gawin siyang kapatid. I’ve always known I needed him in my life. Noong ibigay pa lang niya sa akin ang pagkain na dapat ay para sa kanya, alam ko nang kailangan ko siya.
“You were the best big brother,” sabi ko kay Andres.
Kahit na maraming pagkakataon na nainis ako sa kanya dahil masyado siyang mahigpit, si Andres pa rin ang pinakamapagmahal na kuya sa buong mundo. Siya pa rin ang pinakamabuting kapatid. Nabuhay ako na naririnig kay Daddy na hindi kailangang maging magkadugo ang dalawang tao upang magturingan na magkapamilya. Patunay ang pagdating ni Andres sa aming buhay. Araw-araw akong magpapasalamat na ibinigay siya sa amin. Araw-araw akong magpapasalamat na may anak na naiwan para kina Mommy at Daddy.
“Huwag mo ring pababayaan si Jem, ha?” bilin ko kay Andres kahit na alam ko naman na hindi niya pababayaan ang lahat ng mahal ko sa buhay.
Tumayo na ako at nag-aalangang ipinikit ko ang aking mga mata. Pagmulat ko ay nasa ibang lugar na ako. Nasa harapan ko na si Alex. Ganap na nakakaintindi ang mga matang banayad na nakatunghay sa akin. Kahit na paano ay nagawa ko siyang ngitian. Hindi ko magawang mainis sa aking guardian angel. I imagined he went through the same thing. Malamang na pinanood din niya ang paglilibing sa kanya maraming taon na ang nakararaan. I wanted to believe I can also get pass through this because Alex was able to. Kung kinaya niyang maging mahusay sa buhay na ito na hindi niya pinili, siguro ay kakayanin ko rin.
“I’ll be with you every step of the way,” ang banayad na sabi sa akin ni Alex.
It was enough to give me a calm feeling. I could do it. I was quite ready to begin my new beautiful journey.
I KIND OF avoided visiting Jem. I told myself I was busy preparing for my new role in this new life. Ngunit alam ko na niloloko ko lang ang sarili ko. If there was a strong will, there were so many ways. Lalo na sa isang katulad ko. Noong mga naunang araw pagkatapos kong mailibing ay madalas ko siyang bisitahin. I wanted to know what he had been doing. Gusto kong malaman kung paano siya nagko-cope sa buhay na wala ako. Pero labis akong nahirapan sa nakita ko. Nahihirapan akong huminga—hindi sa kailangan ko pang huminga. Naiinis na naman ako dahil wala akong magawa para sa kanya.
Isang linggo halos na hindi lumalabas ng silid si Jem. Hindi siya kumakain, o umiinom man lang. Hindi rin naliligo. Kung hindi siya natutulog, nakatitig lang siya sa kisame. Ninong Augusto and Ninang Angela were frantic and worried. Dadalhin na sana siya sa ospital nang pasukin siya ni Andres at kaladkarin palabas ng bahay. It wasn’t a beautiful sight. By the time na nailabas ni Andres si Jem sa bahay, pareho na silang duguan. Again, wala na naman akong nagawa kundi ang panoorin silang magbugbugan. Andres and Jem fought like they had nothing better to do. Pareho silang galit at nagdadalamhati. Parehong hindi malaman kung paano pakikitunguhan ang mga bagay-bagay, kung paano haharapin ang buhay.
Tumigil lang silang dalawa nang pigilan sila nina Ninong Augusto at Daddy.
Naligo at kumain na si Jem. Pero halos hindi pa rin nagsasalita. Madalas pa ring tulala. Isang gabi ay lumabas siya at nagtungo sa bar. Mula noon, halos gabi-gabi nang nagpapakalasing si Jem. Once, he even started a bar fight. Kinailangan pa siyang sunduin sa presinto ni Ninong Augusto. It had been too hard for me to watch.
And if that wasn’t enough, I get to watch my family suffer also. Palagi sa higaan si Mommy. She was lying in bed all day, all night. Hindi na malaman ni Daddy kung paano siya aaluin. Hindi niya maibigay ang lahat ng effort niya dahil nahihirapan din siya. One time, I saw him flipping through the albums, looking at my baby pictures. He wept after. Pareho silang walang nagagawa, at parang wala ring nakikita. Poor Andres was worried beyond measures.
Hindi na ako sinasamahan ni Alex sa pagbisita sa pamilya ko. May mga pagkakataon na naiinis ako na wala siya sa aking tabi. “It will get better.” Gusto kong marinig iyon mula sa kanya. Hindi ko sigurado kung mapapagaan niyon ang aking nadarama pero minsan, kailangan ko lang talagang marinig at maipaalala sa aking sarili.
After two and a half weeks, Andres decided to do something. Pinuntahan niya sa silid si Mommy na bagaman nakamulat ang mga mata at nananatili pa rin sa higaan. Binuksan ni Andres ang kurtina upang pumasok ang sikat ng araw sa loob ng silid. Nanatiling tulala si Mommy at hindi gumagalaw.
Lumuhod si Andres sa tapat ni Mommy. “Mommy, kailangan na po ninyong bumangon.”
Walang tugon mula kay Mommy. Para ngang hindi niya nakikita si Andres. Napapabuntong-hininga na tumayo na ang kawawang kapatid ko at tinungo ang pintuan. Palabas na siya nang bigla siyang pumihit.
“Nagugutom po ako,” sabi ni Andres kay Mommy.
Hindi ko naintindihan kung bakit niya iyon sinabi. Kung nagugutom si Andres, bakit hindi siya kumuha ng pagkain sa kusina? Bakit hindi siya magluto? Hindi pa rin umimik si Mommy.
“Nagugutom po ako,” pag-uulit ni Andres. “Ipagluto po ninyo ako ng pagkain, Mommy. Igawa po ninyo ako ng meatloaf.”
Hindi pa rin umiimik si Mommy ngunit napansin kong napabilis ang kanyang pagkurap. Lumapit si Andres at inalis ang kumot. “Bumangon na po kayo.” Nang hindi tuminag ang aming ina ay banayad na hinila ni Andres ang braso ni Mommy at pilit siyang pinabangon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mommy, waring hindi mapaniwalaan ang ginagawa ni Andres. Bahagya akong nag-alala na baka hindi maging maganda ang maging reaksiyon ni Mommy. I don’t want them fighting.
Bahagyang niyugyog ni Andres ang katawan ni Mommy. “Kailangan po ninyong bumangon, Mommy,” ani Andres sa nakikiusap na tinig. “You have responsibilities. You’re my mother. It’s your duty to cook food for me. Kailangan po ninyo akong alagaan dahil may anak pa kayo. Hindi ko na kayang mabuhay na walang pamilya. You and Daddy and Mattie made sure of that. Naalala po ninyo noong mga naunang buwan na kasama n’yo ako? Palagi po kayong pumapasok sa loob ng kuwarto ko bago matulog. You’d kiss my forehead and tell me I have you now. Hindi na ako mag-isa. Hindi ko na kailangang mag-alala o matakot o malungkot. At Mommy, labis po akong nag-aalala, natatakot, at nagdadalamhati ngayon. I don’t know what to do. Gusto kong magalit kay Mattie dahil pakiramdam ko ay iniatang niya sa balikat ko ang isang napakabigat na responsibilidad. Mommy, you gotta help me, okay? Kailangan kong maging anak ninyo ni Daddy. I know I can never replace Mattie and I will never try. I will never ask you to stop feeling the pain of losing her. Pero narito pa ako. Buhay. Nangangailangan. I need you to be my mother. Please?”
Ilang sandali na natulala lang si Mommy kay Andres. Tila hindi gaanong tumimo sa kanyang isipan ang sinabi ng anak. Kapagkuwan ay nalukot ang mukha niya at napabulalas ng iyak. Niyakap ni Andres ang aming ina.
Pagsapit ng hapon, tumayo na si Mommy sa higaan at naglinis ng katawan. She had stop crying. Bumaba siya sa silid at nagtungo sa kusina. She started cleaning up. Pagsapit ng gabi, isang masarap na hapunan ang nakahanda. It had been the start of her recovery and acceptance.
Andres took care of daddy after. Isang gabi ay pumasok sa study room si Andres. Naroon si Daddy, umiinom habang binubuklat-buklat ang mga album na puno ng larawan ko. Nakabukas ang telebisyon at ipinapalabas roon ang ilang home movies naming pamilya. Hindi man lang nag-angat ng paningin si Daddy nang pumasok si Andres. Hinayaan muna sandali ni Andres sa pananahimik ang aming ama bago humugot ng malalim na hininga at nagsalita.
“Kailan po kayo babalik sa ospital, Dad?” tanong ni Andres.
Nagkibit-balikat lang si Daddy.
“Kailangan po ninyong bumalik sa trabaho, Daddy. You can’t continue like this forever.”
Hindi umimik si Daddy.
“Maraming tao ang nangangailangan po sa `yo bilang doktor. You can’t give up on life, Daddy. Nangako ako kay Mattie na hindi kita hahayaan.”
Namasa ang mga mata ni Daddy nang marinig ang pangalan ko. Parang may mariing pumisil sa aking puso.
“Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay na wala si Mattie, Andres. Hindi ko alam. Nahihirapan akong huminga. Nahihirapan akong kumilos. Nahihirapan ako sa halos lahat ng bagay. I don’t know how to save lives when I was not able to save my own daughter’s life.”
Naupo sa isang couch si Andres at sandaling nanahimik. Alam ko na inisip muna niyang maigi ang sasabihin kay Daddy bago niya muling ibinuka ang bibig.
“Hindi pa man ako inuuwi ni Mattie sa bahay na ito, humanga na ako sa `yo. Namangha ako sa mga ikinukuwento ni Mattie. Parang too good to be true sa pamantayan ko dahil hindi pa ako nakakatagpo ng isang matinong ama. Naririnig ko sa iba pero noong bata ako ay hindi ko makita. Kahit na saan ako tumingin ay nakikita kong nambubugbog ang mga ama, lasenggo... Parang myth sa akin ang mga mabubuting ama. Then I met you. Hindi ka katulad ng iba. Tama si Mattie. Sa palagay ko ay napalagay ako sa `yo dahil sa mga mata mo. Masyado silang mababait. Iba rin ang pakiramdam kapag nasa malapit ka. Naipaparamdam mo sa iba na magiging maayos ang lahat kahit na hindi ka magsalita. Hindi ko po gaanong maipaliwanag pero parang safe at secured ang pakiramdam sa tuwing nasa malapit ka.”
Tumingin na kay Andres si Daddy sa pagkakataon na iyon.
“Habang tumatagal, lalo akong humahanga sa inyo. Lalo akong na-fascinate. Totoo kasi ang lahat ng sinabi ni Mattie tungkol sa inyo. You’re the most loving, the most patient, the most honorable, and the most caring father in the whole world. May mga gabi na naitatanong ko sa sarili ko kung totoo bang ikaw na ang bago kong tatay. Tatay na may maganda at legal na trabaho. Tatay na tinuturuan akong maglaro ng basketball. Tatay na hindi lang ako pinag-aaral, tinutulungan din ako sa mga homework. Tatay na hindi lasenggo at hindi nambubugbog. Naramdaman ko na minahal ninyo akong talaga ni Mommy, Dad. Hindi ko po talaga alam kung gaano kasakit ang mawalan ng anak, I can only imagine. Ang siguradong alam ko ay kung gaano kasakit mawalan ng isang kapatid. At ayoko pong mawalan ng mga magulang, Daddy.
“Hindi ko na po kakayanin mag-isa. You’ve showered me with love. You’ve given me everything I need, everything I wanted. Hindi ko po kayang punan ang papel na iniwan ni Mattie. Hindi ko kayang maging siya. Pero kailangan ko po kayo bilang mapagmahal na mga magulang. Kung kailangan ninyo ng anak, narito pa ako, Daddy. I need you.
“I need a man to look up to. I need you to continue doing what you do. Hindi maaaring pabayaan ang mga pasyente mo, Daddy. At alam ko na hindi rin gugustuhin ni Mattie na maging ganito ka habang-buhay. You promised you’d move on. Alam ko pong mahirap, Daddy. Itinatanong mo siguro kung paano magsisimula. Life is not complete without Mattie. It will never be the same again. Pero narito po ako para sa inyo ni Mommy. Narito lang ako, Daddy.”
Three days after that, Daddy called the hospital. He was back on rotation after a week.
It had been tough for my family but things were slowly working out. May pagkakataon na natutulala pa rin si Mommy. Minsan ay napapabulalas siya ng iyak sa tuwing makakakita siya ng bagay na makakapagpaalala sa akin. Ganoon din si Daddy. Minsan ay nawawalan ng lakas ang binti niya sa tuwing bumabalik sa kanya na hindi na ako babalik, na hindi na niya ako makikita.
But life slowly went on for them.
Ganoon din sa akin. Alex and I had been watching other guardians. Ipinaliwanag na niya sa akin ang ilang protocols. Rules were strict.
“Kapag dumating na ang ward mo, sa kanya lang dapat ang focus mo. Sa kanya mapupunta ang lahat ng pagmamahal at lahat ng devotion na kaya mong ibigay. It’s like having your own kid. You guide them properly. You protect them. You love them with all of your heart,” ang sabi ni Alex sa akin. Sinalubong niya ang aking mga mata. “You do everything for them.”
“Thank you,” ang nakangiti kong sabi.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Alex. “Para saan?”
“For guiding me properly. For protecting me. For loving me.”
Natigilan si Alex. Mas lumapad naman ang aking ngiti. Sa palagay ba niya ay nakalimutan ko na ang kaalamang siya ang aking guardian angel? He was basically teaching me the things he did for me. Kapagkuwan ay napangiti na rin si Alex. He fondly ruffled my hair.
“Make me proud.”
Tumango ako kahit na may kaunti duda akong nadarama. We didn’t really have any special powers. We can’t move things. What we have is the power of persuasion. Hindi kami maaaring magpakita sa mga buhay. Hindi raw kami mga multo sabi ni Alex. Ang tanging nakakakita sa amin ay ang aming ward sa kanyang pagsilang. Habang lumalaki ay mas lumalabo na kami sa kanilang paningin.
I made friends. Ipinakilala ako ni Alex sa mga guardian na itinuturing niyang mga kaibigan. They let me watch them guard their wards.
“I wish I could give you some good advice, Mattie,” sabi ni Peighton. Binabantayan niya ang tatlong taong gulang na batang lalaki na abala sa paglalaro sa bakuran. “Noong nagsisimula ako, I thought I was ready, I was equipped. My guardian prepped me so good. Pero lahat ng theory ay nawala noong talagang maging guardian ako. I know what you’re thinking now. Mukhang madali. Kayang-kaya. You’re wrong. At wala akong advice na maibibigay para maging madali ang lahat.” Tumingin siya sa ward niya. “Iba-iba ang mga ward na ibibigay sa atin. Iba-iba ang pangangailangan at sitwasyon. Mamahalin mo rin sila sa iba’t ibang paraan. This job, this duty, hindi maaaring hindi mo ibigay ang buong ikaw. Hindi maaaring hindi ka magmahal nang buong puso. You don’t just persuade them to do what’s right. You fight for them. Gagawin mo ang lahat para lumakas ang tinig mo. Gagawin mo ang lahat upang lumaki sila nang maayos.”
“You’re chosen for this duty. You’ll be fine,” ang sabi naman sa akin ni Scott. Puno ng kumpiyansa ang kanyang tinig. He used to be a musician. He died of cancer. Tumutugtog siya ng gitara habang natutulog ang kanyang ward. She was too little. The ward was a preemie. Dinala ako sa kanila ni Alex dahil may malaking tsansa na maging preemie rin ang aking unang ward. “Just be yourself and everything’s going to be fun.”
Hindi ko pa ring maiwasang makaramdam ng takot at kaba, gayunpaman. I wanted to believe I can do anything. Basta pagsusumikapan ko, mapagtatagumpayan ko ang kahit na ano. Ngunit madalas ko pa ring pagdudahan ang aking sarili. I don’t really know what will happen. I don’t know how I’d deal with things. I was seventeen years old.
“You’ll be a champ,” sabi sa akin ni Alex habang ginugulo ang aking buhok. “You should be. I was your guardian.”
Hindi ko napigilang matawa sa yabang sa tinig ni Alex. Ngunit kahit na paano ay nakalma ang kaba at takot sa aking dibdib dahil sa katiyakan sa kanyang tinig. Naramdaman ko rin, kahit na hindi niya sabihin, hindi niya ako pababayaan. Alex would still be my guardian angel. He’d make sure I’d do a wonderful job.