5

3154 Words
WHEN I was still alive, I kept on imagining my funeral. Hindi ko maiwasan kahit na anong iwas ang gawin ko. Naniniwala akong marami ang dadalo, marami ang iiyak. Hindi sa nagyayabang ako pero alam kong marami ang nagmamahal sa akin. I was the type of kid who was constantly loved and adored. I had always felt loved and adored. Inisip ko noon kung makikita ko ang libing ko. Naitanong ko noon kung ano ang mararamdaman ko kung makikita ko ang sarili kong nasa loob ng kabaong. I left detailed instructions for my funeral. Ayoko ng matagal na lamay, tatlong araw lang. Ayoko ng cremation dahil ayokong ilarawan sa aking diwa ang katawan kong sinusunog. Gusto ko sa malilim na parte ng memorial park. Gusto ko ng sariling bahay na may mga puno. Gusto kong may space para sa mga bibisita tuwing Araw ng Patay at tuwing death anniversary ko. Gusto ko ng maraming puting bulaklak. It felt surreal watching my own funeral. It was like a dream. I couldn’t fully wrap my head around it. Sinunod nila ang lahat ng gusto ko. Nagpatanim si Daddy ng ilang puno sa paglilibingan sa akin. Nagtipon-tipon ang mga mahal ko sa buhay sa memorial park. Everyone wore white. Lahat ay may tangan na isang tangkay ng puting rosas. Halos lahat ay lumuluha at nagdadalamhati. I only now realized I didn’t want that. Oo, inilarawan ko sa aking isipan na marami ang iiyak ngunit ngayong nakikita ko na talaga ay tila may matalim na bagay na humihiwa sa aking puso. Hindi ko kailanman ginusto na magdulot ng lungkot at hinagpis sa mga taong mahal ko. “Hindi natin ito kailangang panoorin,” sabi sa akin ni Alex na hindi na halos nawawala sa aking tabi. “Wala ka bang ibang gagawin bukod sa bantayan ako? Don’t you have any assignment or anything?” tanong ko habang hindi inaalisan ng tingin ang aking pamilya. Nakayakap si Mommy kay Andres. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakabaon iyon sa didbib ng kapatid ko. Parang hindi niya matagalan na nakikita ako sa loob ng kabaong. Nakikita ko ang pagyugyog ng kanyang balikat, gayunpaman, kaya alam kong tumatangis siya. Parang tulala si Daddy. May suot siyang dark glasses kaya hindi ako sigurado, ngunit nakikita ko ring naglalandas ang luha sa kanyang pisngi. I could feel their pain and anguish. Nais kong lumapit at yakapin silang. Nais kong sabihin kung gaano ko sila kamahal at hindi naman talaga ako nawala. Naroon lang ako, nagmamasid. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. I was gone. Wala na akong magagawa pa sa bagay na iyon. Hindi ko pa ganap na tanggap ang bagay na iyon, ngunit unti-unti kong pinagsusumikapan. Alex kept on insisting. “You are my assignment,” tugon ni Alex sa tanong na halos nakalimutan ko na. “So you’re going to be my babysitter? Hanggang sa matanggap ko na ang bago kong role sa bagong mundo na ito?” Hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang mga gagawin ko talaga. Mga specific chore na kailangang gampanan. Hindi ko rin naman siya gaanong pinipilit dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako gaanong handa sa mga bagong responsibilidad. I died. I get to mourn and have some time for myself, right?  Naitanong ko sa sarili ko, matagal kong inisip na mamamatay ako nang maaga. Matagal akong pilit na “naghanda.” Minsan ba ay naisip ko noong nabubuhay pa ako kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos kong mamatay? Naitanong ko rin, magiging masaya kaya ako sa bagong buhay ko katulad ng kung paano ako naging masaya noong nabubuhay pa ako sa ibang mundo? Magiging masaya pa kaya ako kahit na hindi ko na kasama ang mga mahal ko sa buhay? May mga tao bang darating at mamahalin ko sa bagong buhay na ito? Ibinaling ko ang aking tingin sa mayabong na puno ng akasya sa hindi kalayuan. Nakaupo sa lilim niyon ang aking Jem. Nakasuot siya ng puting polo shirt at maong na pantalon. Hindi ko malaman ang maaaring tumatakbo sa kanyang isipan sa kasalukuyan. Nakasuot siya ng dark glasses at nakatingala. Hindi niya kailanman ako sinilip sa kabaong ko. Napilit siyani Andres magpunta sa libing ngunit hindi niya magawang lumapit. He tried but he really couldn’t.  “Hindi pa natatapos ang responsibilidad ko sa `yo, Mattie. Karaniwan, pagsapit ng ward sa ikalabing-tatlong kaarawan ay natatapos na ang paggabay, pero isa ka sa mga espesyal na kaso kaya hindi ako nawala sa tabi mo. Hindi ako mawawala hanggang sa unang anim na buwan ng ward mo. Gagabayan kita sa bagong buhay na ito.” Sa aking palagay ay si Alex ang rason kung bakit hindi pa ako bumibigay. Siya ang rason kung bakit nakatayo pa rin ako at pinapanood ang seremonya ng aking libing. Kapante akong hindi niya ako iiwan. Kampante ako dahil alam kong nariyan lamang siya upang gabayan at suportahan ako. Hindi niya ako pababayaan sa bagong mundo na ito. Pananalig na sa palagay ko ay nagsimula mula nang isiling ako. He was indeed my guardian angel. Inalis ko muna ang aking mga mata kay Jem at binalingan si Bea. Hindi pa siya dapat lalabas ng ospital ngunit nagpumilit siya upang makadalo sa aking libing. She was silently praying. I had been praying, too. Ipinagdarasal kong sana ay magbago ang kanyang isipan tungkol sa pagpapalaglag. Nais kong malinawan siya sa ilang bagay-bagay. Siguro ay sasabihin ng iba na masyado pa akong bata, ideyal mag-isip at wala pang gaanong muwang sa totoong buhay. Ngunit alam ko—kumbinsido ako—na magiging isang mahusay at mabuting ina si Bea sa magiging anak niya. Sunday Blue was also there. Nasa likuran siya. I smiled when I saw she made an effort to bring flowers for me. Katangi-tangi siyang nakasuot ng kulay itim na T-shirt ngunit hindi ko alintana. Hindi na gaanong bago sa akin ang bagay na iyon. Black was her color.  Nabaling uli ang aking atensiyon sa aking pamilya nang mabatid kong halos patapos na ang seremonya. Ipinatong na ng pamilya ko ang roses na tangan nila sa ibabaw ng kabaong ko. Hindi ko mapigilang humakbang palapit. Hindi ako pinigilan ni Alex. Habang inaalayan ako ng bulaklak ng ibang mga nakikilibing, sinilip ko ang aking sarili sa loob ng kabaong. I expected myself to be spooked, but I was not. It was weird seeing myself laying dead ngunit hindi naman ako gaanong natakot. Pinakatitigan ko ang aking sarili. I looked peaceful. Para pa ngang may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko sigurado kung mahusay lang ang nag-ayos ng aking mga labi o sadya ko iyong ginawa upang maging maganda pa rin ako hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Hindi ko maiwasang mapangiti sa itinakbo ng aking isipan. And it felt good to know I can still find humor on what was happening. Lumapit si Sunday Blue at inilapag ang mga bulaklak na dala niya. Ilang sandali niya akong tinitigan sa aking pagkakahimlay. Nagulat ako nang makita ang pamamasa ng kanyang mga mata. I knew she cared about me, but Sunday Blue was never the type of girl who cried at funerals. She was never the type of girl who cried at anything or anywhere. Marahas niyang pinalis ang isang butil ng luhang kumawala sa kanyang mata. Waring may mainit at malambot na bagay ang humaplos sa aking puso. I knew I mean something to her kahit na makailang beses niyang ikaila. Ngunit ni minsan ay hindi ko naisip na iiyak siya sa aking pagkawala. “Wala nang gaanong mang-aabala sa `yo,” pagkausap ko sa kanya. “Wala nang magulo, makulit, madaldal...” I choked. Naiiyak na naman ako kahit na nangako na akong hindi na ako iiyak.  “I love you, too,” Sunday Blue mouthed. Walang tinig na lumabas sa kanyang bibig ngunit malinaw kong nabasa ang paggalaw ng kanyang mga labi. Tuluyan nang bumigay ang luha sa aking mga mata. I already know that but it was still nice hearing it. Nagtungo ang dalawang kamay ni Sunday sa batok niya. Noong una ay hindi ko alam ang kanyang ginagawa hanggang sa mahubad na niya ang suot na kuwintas. Mahaba ang chain ng kuwintas. May pendant iyon. Isang makinang na pakpak ng anghel. Puno ng mumunting diyamante ang pakpak na yari sa platinum. Palagi iyong suot ni Sunday Blue. Sinabi niya sa akin kung sino ang nagbigay niyon. Ayaw niyang magkuwento noong una pero dahil makulit ako ay napilit ko siyang magkuwento. Hindi ko siya tinantanan hanggang sa bumigay siya. “Bigay daw ng walanghiya kong ama,” ang mataray niyang sabi sa akin habang nasa chemistry laboratory kami. Nakaharap kami sa sink. Kami ang nakatoka sa paglilinis at pagliligpit ng mga kagamitan. “Bakit ba ayaw mong tigilan ang kuwintas ko?” “Kasi ang ganda-ganda kaya.” It was so shiny and so pretty. Gusto ko ring magkaroon ng ganoon. Nagpakawala si Sunday Blue ng marahas na buntong-hininga. “My mother said he had it custom made after she told him she’s pregnant with me. Pakpak daw ito ng guardian angel ko. Pakpak ng anghel na nagbabantay at gumagabay sa akin.” Sunday snorted. “Si Mommy na ang nagbigay sa akin nito. Ni hindi ko sure kung totoo ngang galing ito sa magaling kong ama o umembento lang ng kuwento ang mommy. But she doesn’t really believe in angels. So baka nga ipinagawa ng ama ko bago pa man ako maisilang.” “That’s so sweet.” “He’s full of shit.” “He’s your father.” “He’s still full of shit.” Sunday Blue’s father left her and her mother to be with another woman. Sa araw mismo na ipinanganak siya umalis ang kanyang ama. She said she hated him so much. “Hindi naman totoo ang mga guardian angel.” “You don’t know that for sure,” sabi ko. I had always believed in angels. She gave me a look. “Of course you of all people believe in angels. You think life is like a fairy tale.” “You think you’re all tough and bad-ass. Pero mas soft ka pa sa soft. I think medyo naniniwala ka sa angels. Kaya suot mo palagi ang kuwintas na iyan. Hindi mo lang maamin kasi you have a reputation to protect.” “Whatever.” Nais ko sanang mapangiti sa alaalang iyon ngunit hindi ko na nagawa nang mabatid ang ginagawa ni Sunday Blue. She laid the necklace in my coffin. “Ano ang ginagawa mo?” nababaghan kong tanong. Siyempre ay hindi ako sinagot ni Sunday Blue. Tumalikod na siya at nagsimulang lumakad palayo. Kaagad akong sumunod. “Importante sa `yo ang necklace na iyon,” sabi ko sa kanya habang sinasabayan ko siya sa paglalakad. Totoo marahil na kinamumuhian ni Sunday Blue ang kanyang ama ngunit may hindi mapantayang halaga ang kuwintas na iyon sa kanyang puso. She kept the necklace he gave her because it reminded her that her father once cared. Sinasabi ng kuwintas na iyon na minsan ay naging tipikal na mapagmahal na ama ang lalaking responsable sa kanyang existence. “You can’t just leave that necklace there.” Siyempre ay nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Sunday dahil hindi naman niya ako naririnig. She concentrated on containing her tears. Nang kamuntikan na siyang bumigay at muntik nang mapabulalas ng iyak ay nagsimula na siyang tumakbo palayo sa akin. I felt something weird. Parang may malamig akong naramdaman sa akin leeg. Umangat ang kamay ko sa aking dibdib. Namilog ang aking mga mata nang maramdaman ang kuwintas. Nilingon ko ang kabaon. Naroon pa rin ang kuwintas ni Sunday Blue, ngunit nakasuot sa akin ang kaparehong kuwintas. Pinanood ko na lang ang paglayo ni Sunday Blue hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Hindi ko gaanong maintindihan kung bakit ibinigay niya sa akin ang mahalagang bagay na iyon, ngunit tatanggapin ko na lang muna. She wanted me to have it. “Thank you, Sunday.” Iginala ko ang aking paningin sa mga nakikipaglibing na isa-isa nang nagsisialisan. Yakap-yakap pa rin ni Andres si Mommy na patuloy sa pag-iyak. Nasa malayo si Daddy at tahimik na tumatangis. Nakita ko rin sina Ninang Angela na nakayakap kay Ninong Augusto. They were grieving together. My parents were grieving apart. Nais kong ipag-alala ang bagay na iyon. Nakita ko si Bea na palapit kay Jem. Mas nag-aalala ako kay Jem kaya nagtungo ako sa kanilang direksiyon. “H-hey,” nag-aalangang bati ni Bea kay Jem na halos walang kagalaw-galaw sa kinauupuan. Nakatingala pa rin siya.  Naupo ako sa tabi ni Jem at tumingala rin, sinubukan kong alamin kung ano ang kanyang nakikita. Wala akong gaanong nakita kundi ang paglusot ng sinag ng araw sa mga dahon ng acacia. Ibinalik ko na lang ang aking mga mata sa dalawa. Hindi sinagot ni Jem ang pagbati ni Bea. Tila wala siyang narinig. Nakita ko sa ekspresyon ng mukha ni Bea na nagdadalawang-isip siya kung lulubayan na si Jem sa pananahimik o mananatili. Nakikita kong tila nananalo ang unang option. “Don’t leave him,” sabi ko. “He needs someone to talk to.” Hindi ako gaanong sigurado sa bagay na iyon. Ni hindi ko nga masiguro kung magsasalita si Jem. Ngunit nasisiguro kong ayaw ko siyang mag-isa. Gusto kong maramdaman niya na may tao pa rin sa kanyang paligid, mga taong nagmamalasakit nang labis. Waring narinig naman ni Bea ang pakiusap ko dahil hindi siya umalis. Naupo siya sa damuhan. Mababakas pa rin ang alinlangan sa kanyang mukha ngunit pinilit niya ang sarili na manatili. “H-hindi... H-hindi ko a-alam ang sasabihin ko, Jem. Then I realized I really couldn’t say anything. Walang salitang maaaring sabihin na makakapagpalubag ng loob mo—ninyo. The pain of losing her is just too much. Nararamdaman ko rin ang pain na iyon. Sagad hanggang buto—hanggang sa kaluluwa. Mahirap kumilos. Mahirap huminga. Napakahirap paniwalaan na nangyari ang lahat ng ito. Ako ang huling taong nakasama niya. Ako ang huli niyang nakausap at nayakap. Mula nang magkamalay ako sa ospital, panay-panay na ang tanong ko kung bakit siya at hindi ako? Bakit hindi na lang ako ang namatay? Bakit pa Niya ako binuhay? Pinanood ko ang mga taong nagmamahal kay Mattie at hindi ko napigilang isipin na sana ako na lang. Sana ako na lang ang nawala at siya ang nanatili.” “Iwanan mo `ko, Bea,” ani Jem sa malamig na tinig. Noon ko lang narinig ang ganoong tono mula sa kanya. He sounded so lifeless. Napahawak ako sa braso ni Jem. “It’s going to be all right,” sabi ko kahit na parang hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Hindi ko rin malaman kung paano magiging maayos ang lahat. Siguro nakakagaan kahit paano ang simpleng pagsasabi ng mga katagang “it’s going to be all right” kaya ko sinabi. Parang pep talk or something. “Jem, gusto ko lang—” “I don’t have the energy or the inclination to placate you, Bea. Kung inaasahan mong aaluin kita at sasabihin `wag kang mag-isip ng mga ganoong bagay o may dahilan kung bakit nabuhay ka at hindi pinalad si M-Mattie...” Nabasag ang tinig ni Jem sa pagkakasabi ng aking pangalan. Nangunot ang kanyang noo at nasisiguro kong namasa ang kanyang mga mata kahit na natatakpan iyon ng antipara. Gumalaw ang kanyang Adam’s apple. Waring may bara sa kanyang lalamunan nang magpatuloy sa sinasabi. “Dahil ilang beses ko na ring naitanong kung bakit kailangan niyang mawala, kung ano ang magandang rason na mayroon ang sinuman para kunin siya sa akin. At nahiling mo na sana ikaw na lang ang nawala at siya ang nanatili? Hinihiling ko rin iyan.” “Jem!” bulalas ko, namimilog ang mga mata.  “I’m so sorry,” sabi ko kay Bea. “Hindi niya alam ang sinasabi niya. He didn’t mean what he said.” Tumango si Bea, ngunit nakikita kong nasaktan pa rin siya sa sinabi ni Jem. Nahampas ko tuloy ang braso ni Jem. Siyempre, walang reaksiyon ang boyfriend ko dahil wala naman siyang naramdaman. “Say sorry,” utos ko kay Jem ngunit wala akong napala. “Hindi makabubuti sa kalagayan niya ang ma-upset.” “I’m pregnant,” Bea blurted out. Napatingin si Jem kay Bea. Bahagyang nangunot ang noo niya. Kahit na may suot na antipara, nakikita kong hindi niya mapagpasyahan kung ano ang akmang reaksiyon. Sa bandang huli ay nanahimik na lang si Jem. “Alam ni Mattie ang tungkol sa kalagayan ko. Nagkasamaan kami ng loob nang hilingin kong samahan niya ako sa abortionista sa Baguio. Ayaw niya akong samahan, siyempre. Kilala mo naman siya. Nang mangyari ang aksidente, nasa magkabilang panig kami ng bus. She told me something before she... before she... you know. She said I’m going to be a great mom and everything’s going to be fine. Those words were playing over and over in my head. Napapanaginipan ko kapag tulog ako. Sinasabi ko sa sarili ko na walang alam si Mattie kaya madali niyang nasasabi ang mga ganoong bagay. Her life had been so happy and perfect. Hindi niya ako maiintindihan. Hindi niya alam kung paano ang lumugar sa sitwasyon ko. She had a tunnel vision. Ang tanging nakita at naranasan niya ay magagandang bagay na kayang ibigay sa kanya ng buhay. She had a strong sense of what is right and what is wrong. Minsan, walang gray area para sa kanya. “Hindi niya gustong ipalaglag ko ang dinadala ko. Tama naman, hindi ba? Hindi patas na madamay ang isang inosenteng nilalang sa kamalian ng dalawang mapupusok na kabataan. Ginawa ko `to kaya dapat panindigan. Pero iniisip ko rin kasi ang kinabukasan. Hindi lang kinabukasan ng sarili ko, pati na rin ng magiging anak ko. Paano ako magiging ina? Ano’ng buhay ang maibibigay ko sa anak ko? Anong gagawin ko sa mga pangarap ng mga magulang ko? I’m so confused. I’m so lost. I’m trying to imagine what Mattie would say if she’s still around. Kaya siguro kita nilapitan. Baka mas alam mo kung ano sasabihin niya.” “Tinatanong mo kung bakit ako ang nawala at ikaw ang nanatili,” sabi ko sa malumanay na tinig. “Ito siguro ang sagot, Bea. Kasi you’re going to be a great mother. Siguro hindi mo pa makita sa ngayon pero makikita mo rin paglaon. Siguro magulo pa ang lahat ngayon pero it’ll be okay. Everything’s going to be fine.” Pakiramdam ko ay inuulit ko ang mga sinabi sa akin ni Alex. “I... don’t know, Bea,” ani Jem sa munting tinig. “Hindi ako makapag-isip. Hindi ko alam kung ano ang maaaring sabihin sa `yo. I’m also trying to imagine what she would tell me if she’s around.” Ipinatong ko ang aking ulo sa balikat ni Jem. “You know what I would say, sugar. I love you. I will always love you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD