4

1897 Words
JEM WAS in the hospital’s chapel. I know a part of him died with me. Hindi ko mabakas ang masiyahing Jem na kasama kong lumaki. Noon ko lang nakita ang ganoon kasidhing lungkot at pighati sa kanyang mga mata. Noon ko rin lang nadama ang kawalan ng magawa. I feel so frustrated, so angry. I wanted to be with him so bad it hurt. Hindi ko malaman kung paano pa ako nasasaktan samantalang hindi naman na ako buhay. Patuloy akong nagtatanong kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng iyon, kung bakit ako ang napili. I was born privileged. Hindi ako sanay sa paghihirap o kahit na kaunting discomfort. This was just too much for me. Naglandas ang mga luha sa aking mga pisngi nang marinig ko ang pakikipag-usap ni Jem kay Papa Jesus.  “Bring her back to me. I’ll do anything. I’ll do everything for You.” The anguish inhis voice tore my heart. Lalapit na sana ako nang mamataan ko ang isang pamilyar na bulto. “Sunday...” I whispered. Kahit na paano ay gumaan ang aking pakiramdam pagkakita ko sa aking kaibigan. Hindi ko rin gaanong maipaliwanag, ngunit mula nang unang beses kaming magkakilala ay ganoon na ang dulot na pakiramdam sa akin ni Sunday Blue. She could make me feel safe. Kampante ako sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya. Alam ko na hindi niya ako pababayaan. Hindi kaagad tumuloy si Sunday Blue sa loob ng chapel, ilang sandali muna niyang pinagmasdan si Jem. She knew Jem. Madalas kong ipakita sa kanya ng picture. Minsan din ay itinuro ko si Jem mula sa malayo. They never had the chance to meet. Hindi ko napilit si Sunday Blue. Ang sabi niya ay hindi siya interesadong makilala ang boyfriend ko. Hindi rin nagkaroon ng pagkakataon. Hindi ko siya nakulit na magtungo sa bahay upang makilala ang pamilya ko. I understood Sunday. And I was so grateful she was here for Jem. Humakbang si Sunday palapit kay Jem. Susunod sana ako ngunit may kamay na pumigil sa aking braso. Bahagya akong nainis nang malingunan ko si Alex. Hiniling ko sa kanya na pabayaan na muna ako at pinagbibigyan naman niya ako, ngunit may mga pagkakataon na bigla na lang siyang lumilitaw. “What do you want?” naiirita kong tanong habang nakatingin kina Sunday Blue at Jem. “May kailangan tayong puntahan. Hindi maaaring ipagpaliban.” Bago pa man ako makatanggi o makapagprotesta ay nagliwanag na ang paligid. Ang sunod ko na lang namalayan ay nasa ibang lugar na kami. Nasa isang hospital room. Nakaratay sa kama si Bea. She sustained some injuries but she and the baby were fine. Kumpara sa naging pinsala ng iba, masuwerte na si Bea na ganoong injuries lang ang kanyang tinamo. Nalaman ko iyon nang minsang puntahan ko si Bea sa silid niya. Namumugto ang kanyang mga mata, waring hindi na siya tumigil sa pag-iyak. Nasa loob ng silid si Tita Annie, ang mommy ni Bea. She was saying something and it was upsetting Bea. “Your father is so disappointed in you, Beatrice. Paano mo nagawa sa amin ang bagay na ito?” “I know and I’m very sorry, Mommy,” ang lumuluhang sabi ni Bea. Kaagad akong napalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. I always feel protective of Bea. Mula nang unang beses kaming magkakilala noong kindergarten kami. Bea was the favorite target of bullies. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Para siyang magnet na hinihila palapit ang mga bully. Madali rin siyang mapaiyak at hindi ko maintindihan kung anong klaseng kaligayahan ang nakukuha ng iba sa pagpapaiyak ng ibang tao. Hanggang sa maaari ay ipinagtatanggol ko siya sa mga bully. Madalas akong mapaaway dahil sa kanya. Minsan ay waring napuno na si Bea sa mga bully. Hindi na niya napigilan ang gumanti. Hindi nga lang sa magandang paraan. She chose to be a bully herself. Noon kami nag-away at bahagyang natagalan bago nanumbalik ang dati naming samahan. Nagtampo siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. “You’re sorry? If you’re really sorry, hindi mo dapat hinayaan na mangyari ang bagay na ito. You’re eighteen and pregnant. What were you thinking?” Mas lumakas ang pag-iyak ni Bea. Hinaplos-haplos ko ang kanyang likuran kahit na tila hindi naman niya iyon nararamdaman.  “Puwede po bang sa ibang araw na ninyo siya pagalitan tungkol sa pagbubuntis niya?” ang naiinis kong sabi kay Tita Annie kahit na alam kong hindi niya ako naririnig. Siguro dahil alam kong hindi niya ako naririnig kaya malakas ang loob kong sumagot sa ganoong paraan sa isang nakatatanda. “Can’t you see the injuries she sustained from the accident? What she needs now is comfort you. May panahon upang kastiguhin siya, pagalitan, o husgahan.” Hinarap ko si Bea at kinausap ko ang aking kaibigan na tila nakikita at nararamdaman niya ako. “It’s going to be all right, Bea. Hush now.” Hindi tumahan si Bea sa pag-iyak. Tila hindi naman apektado si Tita Annie sa pag-iyak ng anak. “Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang dinanas namin ng Daddy mo nang sabihin sa amin ng doktor na nagdadalang-tao ka?” “I’m sorry...” “Your sorry isn’t enough!” nanggagalaiting sigaw ni Tita Annie. Galit na galit ang kanyang mga mata. Lalo lang akong nainis sa kanya. “Sabihin mong hindi si Alvin ang ama ng dinadala mo.” “I’m sorry.” Nasampal ni Tita Annie ang pisngi ni Bea. Napasinghap ako. “What are you doing! She’s your daughter!” aking bulalas habang nanlalaki ang mga mata. Hindi ko maintindihan kung paano nagagawang saktan nang ganoon ng mga magulang ang kanilang mga anak. Naging pasaway din ako pero hindi ako kailanman pinagbuhatan ng kamay nina mommy at daddy. Naiiyak na rin ako dahil wala akong magawa upang maipagtanggol o maprotektahan si Bea. Base na rin sa salita ni Tita Annie, waring mas nagagalit ang kanyang daddy, si Tito Roger. Tama nga marahil si Bea nang sabihin niyang hindi ko maintindihan dahil iba ang buhay ko. Iba ang pamilya at environment na aking kinalakhan. I just know that if I get pregnant at seventeen, I’m not afraid to tell my parents. Hindi ako natatakot hindi dahil sa alam kong hindi sila magagalit. Madidismaya ang mga magulang ko dahil alam kong napakarami nilang mga pangarap para sa akin, ngunit alam ko rin na hindi nila ako pababayaan. Alam ko ring hindi ako pababayaan ng lalaking makakabuntis sa akin. Jem would never abandon me.  Siguro, kaya kong makasiguro sa mga bagay na ganoon dahil malinaw sa akin ang aking mga limitasyon. Malinaw sa akin na bata pa ako at hindi pa panahong maging magulang. Hindi ko nga marahil maintindihan dahil hindi kasingperpekto ng buhay ko ang buhay ng iba. “Your father wants you to get rid of that baby.” Namilog ang mga mata ni Bea pagkatapos ay sunod-sunod ang naging paglunok.  Determinadong tumango si Tita Annie. “It’s okay. You’ve been in an accident.” Prantiko akong napahawak sa mga balikat ni Bea. I wanted to shake some sense into her but she won’t budge. Para siyang bato na bagaman nahahawakan ko ay hindi ko maigalaw. “Listen to me, Bea. You can’t do what she’s saying. Hindi mo maaaring patayin ang anak mo pagkatapos ng naranasan mo. Come on! You were given a chance! You have a chance to live.” Halos hindi ko namalayan ang paglandas ng mga luha sa aking mga pisngi. Nanikip na naman ang aking dibdib sa pinaghalong frustration at galit. Naramdaman ko sa aking balikat ang kamay ni Alex. Kamuntikan ko nang makalimutan ang presensiya niya sa totoo lang. Hinila niya ako palayo kay Bea. “Aayusin ko ang lahat, ako na ang bahala. Maaayos pa natin ito.” Ilang sandali na hindi nakaimik si Bea. “Okay,” ang nanulas sa kanyang bibig nang sa wakas ay ibuka niya iyon. “I hate you!” hiyaw ko. Susugurin ko sana si Bea ngunit pinigilan ako ni Alex. Pilit akong nagpumiglas upang makawala. “You’re alive, damn you! Binigyan ka ng pagkakataong mabuhay at ito ang gagawin mo? Sana ay ikaw na lang ang namatay at hindi ako. I hate you! I hate you!” Nagliwanag ang paligid at pagkurap ko ay nasa ibang lugar na kami ni Alex. Nagpumiglas ako at hinayaan naman ako ni Alex na makawala. Malakas kosiyang itinulak  sa dibdib. Dahil wala na sa aking paningin si Bea, kay Alex ko ibinaling ang galit at frustration na aking nararamdaman. “Bakit gano’n? Bakit, ha!” Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng luha sa aking mga mata. Labis akong nagagalit, labis na nagngingitngit. “Bakit may mga taong katulad niya? Bakit wala siyang pagpapahalaga sa buhay? Bakit may mga tao na hindi nila ma-appreciate kung ano ang mayroon sila? How is this fair, huh?” “It’s not.” Tila wala akong narinig mula kay Alex, patuloy ako sa paglilintanya. The tightness in my chest wouldn’t ease. “Pagkatapos ng naranasan niya, you’d think mas pahahalagahan niya ang milagro na nasa loob niya. Iyon ang madalas na sabihin sa akin ni Mommy. Bawat buhay ay isang munting milagro. Ang buhay ay isang napakahalagang regalo. I thought she already changed her mind. Naisip ba niya, sana nalaglag na lang ang baby sa sinapupunan niya kung hindi talaga iyon nakatakda para sa kanya? Binuhay sila ng baby niya. Ibig sabihin niyon, may purpose pa sila sa mundo. May role pang dapat na gampanan si Bea. Bakit hindi niya iyon makita? Bakit?” “Dahil hindi pare-pareho ang takbo ng isipan ng bawat tao. Bea is young. She’s confused and terrified at the same time. Kailangan mo rin siyang intindihin. Hindi ko sinasabing tama siya. She’ll come around, you just have to believe in her. I know this is so frustrating, Mattie.” “Talaga? Alam mo kung ano ang nararamdaman ko? Frustration is kind of understatement right now. I want my old life! Gusto kong bumalik sa mga mahal ko sa buhay. Halos buong buhay ko, alam kong mangyayari ang bagay na ito at sinubukan kong ihanda ang sarili ko. Pero hindi ako kailanman naging handa. Hindi ko ito gusto.” “Halos lahat ay dumaan sa stage na ganyan. Kumalma ka. Walang mangyayari kahit na magngitngit ka, kahit na magalit ka sa lahat. You have this life now. Wala kang ibang pagpipilian kundi ang pakibagayan ang mga bagay-bagay.” Lalo ko lamang iyong ikinairita. “How?! How can I calm down? Paano ko pakikibagayan ang bagong buhay na ito? I see them but I can’t really be with them. Alam mo kung gaano kahirap iyon?” “Alam ko. Alam naming lahat. Dahil nga pinagdaanan din namin ang pinagdadaanan mo ngayon. Alam kong paulit-ulit na ako sa mga sinasabi ko pero pakinggan mo pa rin ako. I know this won’t make a difference, it won’t make you feel better, but I’d still wanna say it. It gets better. Mahirap paniwalaan o tanggapin man lang sa stage na ito ng transition mo pero nagsasabi ako ng totoo. It will eventually get better.” Sinalubong ko ang mga mata ni Alex. They were solemn and sincere. There was something familiar in those eyes but I couldn’t put a name to it. And they actually calmed me a little. Nagtiwala at naniwala ako sa mga salita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD