HINDI LANG si Mommy ang bumisita kina Bea at Sunday Blue. Kasama rin niya si Ninang Angela. I was so thankful Andres thought of this. Totoo kasi ang sinabi ng aking kapatid, kailangan ni Mommy ng pagkakaabalahan. Kailangan niya ng ibang aalagaan pagkatapos umalis ng bahay nina Andres at Daddy. Lalo lang siyang malulungkot kung maiiwan siyang mag-isa. Nangangailangan naman sina Bea at Sunday ng pag-aalaga ng isang ina. Bea was in a delicate situation. Sunday Blue just needed to be around a typical mother. Napakarami nilang binili na groceries para sa dalawa. Gumawa rin si Mommy ng maraming meatloaf dahil paborito iyon nina Bea at Sunday Blue. Nagdala si Ninang Angela ng maraming pastries. Siniguro nilang hindi magugutom sina Bea at Sunday Blue. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” tanong ni Momm

