ISANG GABI ay nagulat ako nang pumasok sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan ni Sunday Blue si Andres. Kaagad kong sinimangutan ang aking kapatid. What was he doing in a place like that? Alam kaya nina Mommy at Daddy? Nginitian siya ni Sunday Blue kahit na bahagyang nagsasalubong ang kanyang mga kilay sa pagtataka. Hindi rin siguro niya inasahan na magtutungo roon ang aking good boy na kapatid. “What are you having?” tanong ni Sunday Blue matapos batiin si Andres. “Soda,” ang tugon ni Andres. Bahagyang tumikwas ang isang kilay ni Sunday Blue. Tumango si Andres. “Plain soda.” Ibinigay ni Sunday Blue ang order ni Andres. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “Puwede ka bang mag-break?” Sandaling tumingin si Sunday Blue sa wallclock. “Ten minutes.” “Okay. Thanks.” Pinanood ko silang dalawa. Nag

