“YOU LOOK really great!” Buong paghangang hinagod ng mga mata ni Andres ang kabuuan ni Sunday Blue matapos nilang magyakap. Nasa isa sa mga restaurant ni Bea ang lahat. Ipina-reserve ang buong restaurant para sa isang intimate dinner para kay Sunday Blue. Pormal nang ipinaalam sa lahat na nasa bansa si Sunday Blue. Inimbitahan ang ilang malalapit na kaibigan at masugid na tagahanga. Banayad na natawa si Sunday Blue na talagang napakaganda nang gabing iyon. Unat na unat ang asul niyang buhok. She was wearing a lovely black mini-dress and killer ankle length boots. Hinagod din niya ng tingin ang kabuuan ni Andres. “Ikaw din! Nasaan ang babaeng madalas mo raw kasama?” “May family dinner din na kailangang puntahan si Astrid. Susubukan daw niyang dumaan mamaya dahil gustong-gusto ka niyang ma

